Matandang tricycle driver sa Marikina, pinapurihan matapos magsauli ng pitaka

  • Pinapurihan ng social media users ang isang tricycle driver sa Marikina City matapos nitong magsauli ng pitaka
  • Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, pinasalamatan ng isang lalaki ang driver na nagsauli ng pitaka ng kanyang asawa
  • Bagama’t hindi niya naitanong ang pangalan ay ibinahagi niya ang larawan nito

Tunay nga namang kahanga-hanga ang mga tao na sa kabila ng pagkakaroon ng simpleng hanapbuhay ay nananatili pa ring matapat at hindi nasisilaw sa pera.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, pinasalamatan ni Edgardo Mojica Amdeo Sosa ang matandang tricycle driver na nakapulot at nagsauli ng pitaka ng kanyang asawa. Bagama’t hindi nila naitanong sa kanyang misis ang pangalan nito, nakuha naman niya ang litrato ng matapat na lalaki kaya ginamit niya ang pagkakataong ito para saluduhan at papurihan ang katapatan nito.

“Ito pala ‘yong driver ng tricycle na nakapulot ng pitaka ng asawa ko. Hindi ko na tinanong sa asawa ko kung ano name niya [pero] lubos ako nagpapasalamat sa inyo,” saad ni Edgardo sa caption ng larawan.

Sa comments section, nagpasalamat din ang maybahay ni Edgardo na si Christine Joy Lazaro Sosa, “Salamat po talaga. Halos maiyak ako habang nawawala ang wallet ko.”

Aniya, magbibigay sana siya ng ng kaunting halaga pero hindi ito tinanggap ng matanda.

“Nawa’y maging ehemplo kayo sa lahat ng mga driver. Saludo po ako sa inyo. God bless you po and your family, too,” wika pa ni Christine.

Image capture from Facebook

Hinangaan ng maraming group members ang matandang driver sa pagiging marangal nito. May mga nagsabi rin na kilala nila ang driver at talagang kilala ito bilang isang mabuting tao.

Talaga nga namang napakasarap makarinig ng mga ganitong klaseng kuwento; patunay na kahit gaano man maging kumplikad0 ang mundo ay may kabutihan pa rin na matatagpuan dito.

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: