‘Masaya, nakakakilig, masakit, atbp.’: The Art of Ligaw, nakuha ang damdamin ng madla

  • Marami ang kinilig, natawa, naiyak, at naantig sa trailer ng The Art of Ligaw
  • Sa teaser, makikita kung paano sumubok manligaw ang isang lalaki na hindi kailanman nagseryoso sa pag-ibig
  • Ito ang unang beses na gaganap bilang leading man si Epy Quizon at magiging debut na rin ng “Asia’s Soul Supreme” na si KZ sa pag-arte

Puno ng hugot, nakakatawa pero malalim, masaya at malungkot din — hindi nakapagtataka kung bakit sa trailer pa lang ay nakuha na ng upcoming film na “The Art of Ligaw” ang damdamin ng madla.

The Art of Ligaw poster

Sa Facebook, marami ang kinilig, natawa, naiyak, at naantig sa trailer ng The Art of Ligaw; ang unang pelikula na katatampukan ng tambalan nina Epy Quizon at KZ Tandingan; unang pagganap ni Epy bilang leading man, at unang beses din ng pagsabak ng tinaguriang  “Asia’s Soul Supreme” sa pag-arte.

Apektado ang maraming netizens sa trailer ng pelikula.

“‘Yong pakiramdam na sa bawat sandali mahalaga ang babaeng nililigawan ko, at kahit kabundok ang mga hadlang ay hindi ko pinansin ang mga hadlang na ‘yon,” saad ng Facebook user na si R. Eseo.

“Looks like a cute movie, walang mga pa-cute,” kumento ni N. Ablola.

“‘Yong tipong gusto ko pagkagising ko bukas ng umaga November 13 na agad,” wika ni J. Baldres .

“After sooooo many years, manonood na ulit ako ng Filipino film sa sinehan,” sabi naman ni Red Lights.

Tanong naman ni T. l. Sta. Rosa, “Maipapangako ba nating nood lang, walang iyak ‘pag showing na ‘to?”

Image capture from The Art of Ligaw trailer

Marami rin ang nagbigay ng kumento sa mga bida ng upcoming movie. May mga natuwa dahil kamukha ni Epy ang kanyang ama na si Comedy King Dolphy. May mga na-excite sa pagpasok ni KZ sa mundo ng showbiz. At higit sa lahat, “promising” ang tingin ng marami sa tambalan ng dalawa.

“First time ko makita na leading man si Epy at first movie din ‘to ni KZ. Ayos ang trailer. Panonoorin ko ‘to para maiba naman,” ani Ken Bravo.

“Epy is looking more like his dad now he’s getting matured,” kumento ni Khym Bondoc Denia.

“Wow. Congrats, KZ, in advance. Mukhang pasok sa banga. Magiging contender for Best New Movie Actress of the Year sa 2020 awards season,” wika naman ni Ferdie Montero.

Image capture from The Art of Ligaw trailer

May mga nag-quote din ng mga linya mula sa pelikula. Isa sa mga pinakatumatak ay ang sinabi ng karakter na ginagampanan ni KZ, “Nakakatakot kang papasukin kasi alam ko namang sasaktan mo lang din naman ako.” Ito ay sinagot naman ng karakter na ginagampanan ni Epy na, “Sa nangyayari, Carisse, puwede mo rin naman akong saktan.”

As of posting, nakakuha na ng lampas 18,000 shares, mahigit 34,000 reactions, at halos 1 million views ang teaser ng “The Art of Ligaw”.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Sources: Facebook, DF Buzz


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: