Marlo Mortel, ibinahagi kung ano ang nangyari sa dati nilang love team ni Janella Salvador

  • Ibinahagi ni Marlo Mortel sa isang exclusive interview ang kuwento tungkol sa naging love team nila ni Janella Salvador
  • Ayon kay Marlo, kahit umano naging patok ang love team nila ni Janella, napalitan pa rin siya ng ibang aktor para ipares sa aktres
  • Hindi umano sumama ang loob ni Marlo sa mga pangyayari kundi nagulat lamang siya na bigla siyang nawala sa eksena
Imahe mula Instagram

Naging patok sa takilya ang noontime show ng ABS-CBN na Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi. Sta. Maria at ang bago lang noon na aktor na si Richard Yap.

Umere ang programa nang mahigit dalawang taon mula 2012 hanggang 2014. Marami rin ang napaibig sa love team nina Maya at Ser Chief; hindi lang dito sa Pilipinas kundi maski na rin sa mga Pinoy na nasa ibang bansa na nakatutok sa programa.

Bukod sa love team nila Jodi at Richard, isa rin sa mga nakilalang love team sa programa ang tambalan nina Janella Salvador at Marlo Mortel o mas kilala sa tawag na “MarNella.”

Imahe mula kay Marlo Mortel via Instagram

Marami ang kinilig sa aso’t pusang relasyon nila Nikki (Janella) at Niccolo (Marlo) sa programa. Bukod kasi sa bago sa paningin ang kanilang tambalan, ay kitang-kita naman na bagay ang dalawa.

Pagkatapos ng Be Careful with My Heart noong 2014 ay itinampok ulit ang kanilang love team sa programang Oh My G! noon namang 2015.

Sa pagkakataong ito, ang “MarNella” na ang naging mga bida sa programa. Dito mas lalong napagtibay ang kanilang love team. Ngunit pagkatapos ng Oh My G!, bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin para kay Marlo.

Ayon sa aktor sa isang panayam, wala umanong abiso sa kaniya na hindi na sila pagtatambalin ni Janella. Sa pagkakataong ito, itinambal na si Janella sa kakalipat lamang noon sa ABS-CBN na si Elmo Magalona.

Imahe mula kay Marlo Mortel via Instagram

Ngunit kahit ganun umano ang nangyari, tinanggap umano ito ni Marlo nang buong puso. “Tapos all throughout kinausap ako ng handler ko. ‘Okay ka lang ba?’  pero wala talagang paalam ang nangyari talaga naiwan ako sa eksena,” ani Marlo.

Ayon din sa aktor, natural lang umano ang mga ganitong eksena lalo na sa showbiz. Mayroon at mayroon umanong ibang aktor na mas magaling sa kaniya at maaari siyang palitan lalo na sa isang love team.

Imahe mula kay Marlo Mortel via Instagram

Baka may kulang pa sa akin, kaya ‘yun ‘yung gusto kong i-develop sa akin. Continue learning, continue discovering. Makikita naman nila if may improvement sa ‘yo,” ayon ulit kay Marlo.

Ipinagtapat din ng aktor sa panayam na pagkatapos ng Oh My G! ay kumonti umano ang mga proyektong inalok sa kaniya, “mas wala nang opportunities ang nag-open after.”

Ngunit ngayon ay sinusubok na ni Marlo na mapabuti ang sarili lalo na sa pag-arte. Sa ngayon, siya ang tumatayong breadwinner ng kaniyang pamilya. Aniya, “Pinagdadasal ko lang ay consistency lang sa work para may pangtustos sa amin.”

Sources: MSN Entertainment


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: