Marian Rivera sa trapiko: Mag-cellphone ka, magsulat ka, ‘me time’ mo na

  • Nakuhanan ng pahayag ang Kapus0 actress na si Marian Rivera tungkol sa lumalalang trapiko sa bansa
  • Para sa aktres, matagal nang pr0blema ang trapiko sa bansa kaya hindi na raw dapat mangunsumi dahil sa suliraning ito
  • Wika pa niya, maraming puwedeng gawin sa gitna ng trapiko

Sa gitna ng lumalalang trapiko sa bansa, pinayuhan ng Kapus0 actress na si Marian Rivera ang mga tao na huwag nang hayaan ang sarili na mangunsumi dahil dito.

Image via Pixabay

Tugon ni Marian sa reporter na nagtanong sa kanya sa isang press conference, matagal nang suliranin ang trapiko kaya dapat ay mag-adjust na lamang dito ang mga tao.

“Traffic? Parang matagal nang may traffic. Wala nang dahilan para ikunsumi mo sarili mo sa traffic. Kung may lakad ka, e ‘di pumunta ka ahead of time para ‘di ka matrapik,” wika ng aktres.

Sabi pa ni Marian, maraming puwedeng gawin habang nasa gitna ng trapiko at mismong ang oras na ginugugol dito ay maaari na rin gawing “me time” ng isang tao.

“Sa sasakyan, ‘pag trapik, ang daming p’wedeng gawin. Mag-cellphone ka, magsulat ka, e ‘di ‘yon ‘yong ‘me time’ mo sa sarili mo, ‘di ba? So ang daming p’wedeng gawin mo ‘pag traffic,” aniya.

Lalong dumami ang mga komyuter na nagrereklamo sa trapiko sa Metro Manila matapos may masira sa Light Rail Transit (LRT) kamakailan. Araw-araw ay nagiging pahirap daw sa kanila ang bumiyahe sa kanya-kanya nilang paaralan at trabaho. May ilan nga na pinili nang mag-dorm at saka na lamang daw mag-uuwian muli araw-araw kapag naayos na ang pr0blema sa LRT.

Image capture from YouTube

Narito ang video ng press conference kung saan naitanong kay Marian ang tungkol sa trapiko:

Source: YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: