Mango Graham at iba pang special flavors ng taho matatagpuan sa Cainta

  • Isang taho vendor ang namataang naglalako ng iba’t-ibang flavor ng taho sa Cainta, Rizal
  • Ang ilan sa mga flavors na tinitinda nito ay Mango Graham at Caramel
  • Dahil dito maraming netizens sa social media ang nagpahayag ng pagkagusto na matikman ito

Isa ang taho sa mga all-time favorite food ng mga Pinoy.

Imahe mula sa Instagram account ni Jm Guieb

Ito ay hindi maikakaila dahil sa pagdaan ng panahon, kagaya sa ibang mga pagkain ay nakalilikha tayo ng iba’t-ibang flavor maliban sa kinalakihan na nating taho na nilalagyan lamang ng sago at arnibal.

Isa sa mga unang nagpakilala sa atin ng pagkakaroon ng special flavor ay ang sikat na strawberry taho ng Baguio. Hindi maaaring hindi mo ito titikman kung ikaw ay mapapapadpad sa Summer Capital ng bansa.

Bukod dito ay mayroon ding mga iba’t-ibang klase ng taho na nabibili sa mga restaurants; mayroong frozen taho, chocolate-flavored taho, at ube taho.

At ngayon ay trending sa social media ang post ng netizen na si Kristina Tayam kung saan ipinakita ang mga kakaibang taho flavors ng maglalako na si Mang Lando.

Imahe mula sa Facebook account ni Kristina Tayam

Ang mga ipinagmamalaki nitong special flavors ay Milk, Caramel, Strawberry, at Mango Graham na mabibili sa halagang 25 pesos isang cup.

Ayon pa kay Kristina ay mahahanap siya sa Junction, Cainta, at matatagpuan din naman sa simbahan ng Antipolo tuwing hapon.

Bukod dito ay mapapansin ang kaaliw-aliw nitong poster na bukod sa kanyang larawan ay may tagline pa na “mas special pa sa boyfriend/ girlfriend/ asawa mo.

Imahe mula sa Facebook account ni Kristina Tayam

Dahil sa katakam-takam na itsura nito ay maraming netizens ang nagpahayag ng interes na matikman ito, at nagtatanong kung saan ang eksaktong lokasyon ng pinagtitindahan ni Mang Lando.

“Sa mga nagtatanong kung saan, mukhang across Robinson’s Junction Cainta sa may sakayan ng UV Express along Ortigas Ave Extension.”

“Halaaaa! Mahanap nga pag nagawi ako dun.”

“Titigil ko pag didiet ko makabili lang kay tatay.”

Sources: Facebook ABS-CBN News DF News Virtual Pinoy Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: