Maalaala mo kaya: Netizens bumalik sa panahon dahil sa accessories na gawa sa dahon

  • Isa sa mga nauso noon ay ang paggawa ng accessories na dahon
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, nagbalik sa kahapon ang maraming miyembro nang may magbahagi ng litrato ng mga ito
  • Anila, isa ito sa mga naging paborito nilang laruan bago pa nauso ang mga gadgets

Kabilang ka ba sa bata noon na aliw na aliw sa paggawa ng accessories mula sa dahon? Nagkaroon din ba kayo ng friendship bracelet o friendship ring?

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, nagbalik sa nakaraan ang maraming miyembro nang may magbahagi ng litrato ng mga accessories na gawa sa dahon. Anila, kabilang ito sa mga nagbigay ng kulay sa kanilang kabataan noong panahong hindi pa uso ang gadgets.

“Hindi pa uso mga gadget noon. Dahon ng niyog masaya na tayo para gawin mga alahas,” saad ni Sesinando Andal, ang miyembro ng grupo na nag-post ng litrato.

“Kung puwde lang ibalik ang kahapon walang kasing saya noon,” kumento ni Marilou Reyes.

“Yes! I remember this bracelet made of coconut leaves. I made many of those bracelets with my sisters and playmates. Had fun…but now I forgot how to do or connect it,” pagbabahagi ni Letty Junio.

Lahat daw ng may gusto ay nabibigyan ng pagkakataon dahil libre lang ang materyales na ginagamit.

“Yes, napakasimple pero ang lalim ng sayang dulot nito. Walang hindi makakasali kasi pinupulot lang ito sa palengke or kumukuha lang sa puno,” sabi ni Charito Gunao.

Image via Pixabay

Bukod pa rito, marami raw iba pang pagpipilian kung nais ninyong magkaroon noon ng mga “alahas”–salamat sa mga puno, halaman, at kalikasan.

“Yes, ang mura ng alahas noon! Maraming pagpipilian: dahon ng saging, dahon ng balinghoy (kamoteng kahoy), bulaklak ng santan, at bunga ng patikbi,” wika ni Gloria Caina.

“Oo nga. Pati ‘yong tangkay ng kakawate at murang kawayan,” kuwento ni Bobby Ericta.

Sources: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: