Labis na paggamit ng wax o gel sa buhok, maaaring magdulot ng pagkapanot

  • Upang mapanatiling maayos ang kanilang mga buhok, karamihan sa mga kalalakihan ay gumagamit ng hair gel o wax
  • Ngunit ayon sa isang dermatologist, hindi maganda ang labis na paggamit ng mga hair products tulad ng gel, wax, hairspray, at pomada
  • Nakakasama umano ang mga produktong ito sa anit at buhok na maaaring magresulta ng pagkapanot ng isang tao
Imahe mula Shutterstock

Katulad ng mga kababaihan, mahalaga rin sa mga kalalakihan ang kanilang buhok. Kaya naman araw-araw din silang gumagamit ng shampoo at conditioner at iba pang mga hair products.

Mahalagang mapanatili sa kaayusan ang buhok ng mga kalalakihan dahil dagdag “pogi points” ito. Kaya naman mayroong ibang lalaki na pinagkakagastusan ang kanilang buhok sa pagpapa-treatment, pagpapagupit ng mga usong hairstyle, pagpapakulay, at pagbili ng mga hair products.

Sa katunayan, kalimitan sa mga Korean Pop o K-Pop idols na lalaki ay mas pinagtutuunan ng pansin ang ayos at kulay ng kanilang buhok dahil dagdag ito sa kanilang karisma at accessory sa katawan.

Ngunit para naman sa mga regular na kalalakihan, simpleng gel, wax, o hairspray lang ay sapat na upang maiayos nila ang kanilang mga buhok para sa araw-araw na pagpasok sa eskuwelahan o opisina.

Imahe mula Shutterstock

Ngunit sa programa ng ABS-CBN na Salamat Dok, ibinahagi ng isang dermatologist ang maaaring maging dulot ng labis na paggamit ng mga hair products tulad ng gel at wax.

Ayon kay Dr. Pearl Weena Marie, may masamang resulta umano sa anit at buhok ang labis na paggamit ng mga hair products gaya ng gel, hairspray, at pomada.

Bukod rito, maaari din umanong magdulot ng allergic reaction sa katawan ang sangkap o kemikal sa ilang produktong ginagamit sa buhok.

Imahe mula Shutterstock

At ang malala ay ang pagkatuyo ng buhok dahil sa mga produktong ito na maaaring humantong sa hair fall at kalaunan, pagkalagas at pagkapanot ng anit.

Mayroong nilalagay sa hair na may epekto yan: either allergy or irritation, lalo na pag masyadong nag-dry out o naging brittle ‘yung hair. Because some hair products can be a little bit drying,” ani Dr. Sabido.

Payo ni Dr. Sabido na umiwas sa paggamit ng wax o gel araw-araw. At dapat rin umanong sumailalim sa patch testing para malaman kung nagdudulot ng allergic reactions ang mga gagamiting produkto sa anit.

Panoorin ang episode na ito ng Salamat Dok sa YouTube:

Sources: YouTube, ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: