Jet ski na maaaring gamitin sa lupa, binuo ng isang Pinoy

  • Hinahangaan ngayon sa online world ang isang Pinoy na nakagawa ng jet ski na maaaring gamitin sa lupa
  • Imbes na itapon ang kaha ng jet ski sa basurahan ay ikinabit ito sa motorsiklo upang ito ay mapakinabangan pa
  • Ito ay tinawag na “Jet Ski-Siklo” at gagamitin umano upang gawing service sa isang resort
Imahe mula kay Peewee C. Bacuño via Facebook

Sa panahon ngayon na dumarami na ang mga basura sa ating paligid at mahirap na rin itong i-dispose, nararapat lang na ang bawat isa sa atin ay matuto nang mag-recycle ng mga bagay.

Bukod sa pagbabawas ng paggamit ng plastik, mahalaga rin na masanay na tayong gumamit ng mga bagay o materyales na maaaring i-recycle o gamitin muli.

Kamakailan ay nag-viral online ang mga straw na gawa sa kawayan, at ang mga panindang binalot lamang gamit ang mga dahon. Ito ay mga halimbawa ng pagre-recycle na makakabuti sa ating kapaligiran.

Sa pagkakataon namang ito, isang Pinoy ang hindi lang nakapag-recyle ng mga luma at sirang bagay, kundi naka-imbento pa ng sasakyan na maaaring maging patok.

Imahe mula kay Peewee C. Bacuño via Facebook

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Peewee C. Bacuño ang nilikhang sasakyan ng kaniyang kaibigang si Kuyang SB gamit lamang ang sirang kaha ng jet ski at motor.

Ayon kay Bacuño, imbes na itapon ang sirang kaha ng jet ski at maging dagdag pa sa basura, ay ikinabit na lang umano ito ni Kuyang SB sa isang motorsiklo. Ang imbensyong ito ay tinawag na “Jet Ski-Siklo” na nilikha sa Gagalangin, Tondo.

Bukod sa pagiging astig ng hitsura nito, magiging kapaki-pakinabang din ito dahil gagamitin umano ito bilang service sa isang resort.

Namangha naman ang mga netizens sa jet ski-siklo at sa lumikha nito:

Imahe mula kay Peewee C. Bacuño via Facebook

Talagang maibilidad ang Pinoy kahit sa anong bagay

Malikhain talaga ang Pilipino. Ano kaya ang reaction ng LTO niyan

Iba talaga ingenuity ng mga Pinoy”

Habang ang ibang netizens naman ay nababahala dahil ayon sa batas ng Land Transportation Office (LTO), bawal umano ang mga ganitong klaseng motorsiklo na “modified.”

Ngunit kung ito naman ay hindi gagamitin sa highway o pampublikong daanan, at gagamitin lamang na pangpribado, tiyak na maaari paring gumawa ng mga jet ski-siklo.

Source: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: