“Huwag Maingay” sign, namataan ng isang OFW sa bus sa Taiwan

  • Ibinahagi ng isang OFW ang litrato ng karatula na kaniyang nakita sa pampasaherong bus sa Taiwan
  • Nakalagay kasi sa isang bond paper ang mga katagang “Pakisuyo: Huwag Maingay!” at ito ay mayroon ding Chinese translation
  • Nagbigay naman ng paalala ang OFW na nakakita nito sa kapuwa niya mga Pinoy na nasa Taiwan
Imahe mula kay Ariel Gonzales Abalos via Facebook

Uy kababayan!” Ito ang malimit na bati nating mga Pinoy kapag nakakakita tayo ng kapuwa Pinoy sa ibang bansa.

Dahil nga likas sa atin ang pagiging magiliw at palakaibigan, kakaibang tuwa at kagalakan ang nararamdaman ng marami sa atin tuwing nakakakita ng kapuwa Pinoy na maaaring turista o OFW sa ibang bansa.

Kaya naman hindi maiiwasan ang makipagg-usap sa kapuwa Pinoy kapag nagkakakilala saan mang bahagi sa isang dayuhang bansa. Hindi rin maiiwasan ang kalakasan ng boses tuwing nakikipag-usap dala na rin ng tuwa at giliw na makakita ng kalahi.

Imahe mula kay Ariel Gonzales Abalos via Facebook

Ngunit mukhang ang pakikipag-usap o daldalan ng mga Pinoy na nasa ibang bansa ay hindi maganda para sa ibang lahi. Ito ang ipinahiwatig ng karatula na nakita ng isang overseas Filipino worker (OFW) habang siya ay nakasakay sa isang pampasaherong bus sa Taiwan.

Sa mga litratong ibinahagi ng OFW  na si Ariel Gonzales Abalos, makikita na nakasulat sa isang bond paper ang mga katagang “Pakisuyo: Huwag Maingay!” sa isang bus sa Taiwan.

Ang mga litratong ito ay kaniyang in-upload sa Facebook group na Mga Pasyalan sa Taiwan at nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Pinoy netizens.

Ayon kay Abalos, ang karatulang iyon ay kaniyang nakita noong siya ay sumakay ng bus papuntang Zhongli, isang distrito sa Taiwan. Makikita rin sa larawan na ang mga katagang iyon ay naka-translate din sa Chinese.

Imahe mula kay Ariel Gonzales Abalos via Facebook

Sa ulat ng Inquirer, nagulat umano si Abalos nang makitang nasa Filipino at Chinese translation ang mga katagang iyon. “Marami naman din pong ibang  lahi pero naka-address talaga sa mga Pilipino yung naka-paskil,” ani Abalos.

Dahil dito, nagbigay paalala rin si Abalos para sa mga kapuwa Pinoy sa Taiwan na sana umano ay huwag masyadong malakas ang boses kapag nag-uusap sa loob ng mga pampasaherong bus.

Agad na nag-viral ang mga litratong ito mula kay Abalos at ibinalita na rin sa maraming mga news outlets at websites.

Sources: Facebook, Inquirer


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: