‘Hindi face swap’: Asong may mga matang katulad ng sa tao, ginagigiliwan

  • Kinagigiliwan sa social media ang isang aso na mayroong mga mata na katulad ng sa tao
  • Sa sariling Instagram account ng asong si Nori, ibinabahagi ng nag-aalaga sa kanya ang kanyang mga larawan at pakikipagsapalaran
  • Madalas may magulat sa hitsura ng kanyang mga mata; na tila gumagamit ng face swapping app ang nagmamay-ari sa kanya

Sa unang beses na makita mo ang larawan ng asong si Nori, hindi nakapagtataka kung katulad ng iba ay isipin mo rin na edited ang kanyang litrato o baka naman ginamitan ng face swapping app.

Image via @norichiban | Instagram

Pero hindi edited ang mga litrato ng aso, at lalong hindi ginamitan ng anumang klaseng app. Ipinanganak lamang talaga si Nori na mayroon human-like eyes, at minsan ay mas nagmumukha pang tao kapag ngumingiti.

Ayon sa mga nag-aalaga kay Nori na sina Kevin Hurless at Tiffany Ngo, nasanay na lamang sila sa mga tao; mayroong mga namamangha, mayroong mga natutuwa, at mayroon din mga nagdududa.

Sa social media, bagama’t marami ang nagdududa at nagtatanong kung dinoktor lamang ba ang mga larawan ni Nori ay parami na rin nang parami ang mga natutuwa sa kanyang nakaka-good vibes at charming na mukha. Talaga namang nakasubaybay ang mga ito sa Instagram page na ginawa para kanya; nakaabang sa daily adventures niya.

Image via @norichiban | Instagram

As of posting, mayroon nang lampas 10,000 followers si Nori sa kanyang page na Nori Porkchop o @norichiban; kung saan tampok din ang kanyang sariling alaga na si Shorkie.

Matatandaang minsan na ring nag-viral ang isang aso dahil sa pagkakaroon niya ng human-like face. Ito ay matapos ibahagi ni Chantal Desjardins ang litrato ng aso niyang si Yogi sa Facebook.

Image via Chantal Desjardins | Facebook

Sources: Instagram, Oddity Central


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: