Heart Evangelista ipinasilip sa fans ang kanyang Paris Fashion Week 2019 experience

  • Ipinakita ni Heart Evangelista ang Paris Fashion Week trip nito sa kanyang latest vlog
  • Makikita rito ang mga dinaluhan nilang shows at pagsa-shopping kasama ang kanyang mga kaibigan
  • Natuwa ang mga netizens at nagkomentong para na rin silang nakarating sa Paris

Isa ang Paris Fashion Week sa mga inaabangang prestihiyosong fashion shows taun-taon.

Screenshot mula sa video sa YouTube account ni Heart Evangelista

At gaya ng inaasahan, hindi ito nasasaksihan nang basta-basta lamang.

Karaniwang ang mga nakadadalo sa mga ganitong kaganapan ay ang mga maiimpluwensyang personalidad lamang sa fashion industry o ‘di naman kaya ay mga sikat na celebrities sa iba’t-ibang larangan.

Dito sa ating bansa ay kilala si Heart Evangelista bilang isa sa mga Filipina fashion icon at celebrity na talaga namang hindi pinalalampas ang ganitong mga kaganapan.

Sa kanyang latest vlog entry ay tampok ang kanyang Paris Fashion Week experience kasama ang kanyang mga kaibigan.

Screenshot mula sa video sa YouTube account ni Heart Evangelista

Maraming netizens ang namangha sa uploaded niyang video.

Bukod sa inaasahang glamorous moments, mga naggagandahang OOTD, at expensive items na kanilang pinamili ay makikita rin sa video ang mga behind the scenes — kung saan ay ipinakita kung gaano ka-resourceful si Heart at ang kanyang team sa pagsasagawa ng mga photoshoot kahit na sila ay in transit.

Makikita dito kung paano sila nagpapalit ng mga damit, ang pag-aayos ng hair at make-up, at ang mga candid pictorial.

Makikita rin sa video ang ilang mga sikat na celebrities na dumalo sa nasabing event. Isa na rito ang Korean superstar na si Jessica Jung na kanyang seatmate sa Hermes Show.

Maraming KPop fans ang natuwa sa meet-up nilang ito.

Screenshot mula sa video sa YouTube account ni Heart Evangelista

Bukod sa pagdalo nila sa mga shows at  pamimili ay hindi rin nila pinalampas ang mag-food trip. Kaya’t hindi mo maiiwasang masilip ang kanilang nakatatakam na kinain!

Ipinakita rin ni Heart ang kanyang bonding kasama ang mga kaibigan habang nasa biyahe sila patungo sa kanilang mga target destinations.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ready ka na bang sumilip sa Heart in Paris adventure?

Sources: YouTube GMA News Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: