Guro sa Pampanga namahagi ng pagkain sa mga homeless bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan

  • Isang guro sa Pampanga ang nag-share ng kanyang blessings sa mga homeless people sa araw ng kanyang kaarawan
  • Nagbigay ito ng libreng pagkain sa mga nadaanan nila sa kalye
  • Maraming netizens ang humanga sa kabaitan ng guro na ito

Ang pagsapit ng ating kaarawan ang isa sa mga araw na pinakahihintay natin taun-taon.

Imahe mula sa Freepik

Higit pa sa masarap na handaan, masayang selebrasyon kasama ang pamilya at kaibigan, at sa mga regalong matatanggap ay patunay sa araw na iyon na tayo ay nakatapos na naman ng isang taon sa kabila ng mga problemang hindi natin inaasahan na dumarating.

At dahil dyan ay inaalala natin ang magpasalamat sa Diyos at mamahagi ng biyaya sa ating kapwa.

Ito ang paraan na ipinakita ng gurong si Mary Ann Cunanan na taga-Arayat, Pampanga sa kanyang ika-22 na kaarawan.

Sa kanyang Facebook post ay makikita kung paano niya sinelebrate ang kanyang kaarawan — sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang blessings sa mga kababayan niyang nangangailangan ng tulong. Minabuti niya na mamahagi ng kanyang handa na pagkain mula sa sikat at minamahal na fast food chain. ‘Beeda’ nga naman sa sarap ang kanyag hinandog sa ilang homeless na mamamayan.

Imahe mula sa Facebook account ni Mary Ann Cunanan

Ibinigay niya ang kanyang ‘handa’ sa mga matatanda at batang nadaanan nila sa lansangan. Ito ay bilalang pasasalamat sa panibagong taon at panibagong yugto ng kanyang pakikipagsapalaran sa mundo.

Aniya sa kanyang post ay ito ang mga bisita niya sa kanyang birthday.

Dahil dito ay maraming natuwa at humanga sa positibong mensahe na kanyang ipinakita. Ang kanyang post ay umabot na sa 42K likes, 32K shares, at 456 comments.

Imahe mula sa Facebook account ni Mary Ann Cunanan

“Ganito dapat, maganda na, maganda pa ugali.”

“Thank you so much for your kindness. God bless you!”

“Nakakaiyak yung mga ganitong post, nakakalambot ng puso.”

Sources: Facebook

 


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: