Guro, inalagaan muna ang anak ng kaniyang estudyante habang ito ay nag-exam

  • Viral ngayon sa social media ang post ng isang guro tungkol sa kaniyang estudyante
  • Nagpaalam kasi ang estudyante sa kaniyang guro kung puwedeng hindi muna ito kumuha ng kanilang pagsusulit dahil wala umanong mag-aalaga sa kaniyang anak
  • Ngunit hindi pumayag ang guro at pinagkuha pa rin niya ng pagsusulit ang kaniyang estudyante dahil siya mismo ang nag-alaga sa anak nito
Imahe mula kay Clariz Jane Lasala via Facebook

Hindi biro ang maging estudyante, lalo na sa kolehiyo. Dahil ito na marahil ang pinakamahirap at pinakamaraming pagsubok na daraan pagdating sa pag-aaral.

Bukod sa mas mahirap na mga major at minor subjects, mas mahaba pa ang oras ng klase at inaabot pa minsan ng gabi. Pag medyo minalas-malas ka pa ay mas mahigpit din ang mga propesor sa kolehiyo.

Hindi rin biro ang pagre-review sa kolehiyo, dahil madalas na may pagsusulit sa klase, kaya kinakailangan na laging handa ang estudyante.

Mahirap nang makahabol kapag mayroong hindi napasukang klase o ‘di kaya ay hindi ka nakuha ng pagsusulit. Ang mga ito ay may malaking epekto sa grado, at mahalagang makapasa sa lahat ng subject sa kolehiyo dahil kung hindi, maaaring kunin mo ulit ito sa susunod na semestre.

Imahe mula kay Clariz Jane Lasala via Facebook

Kapag hindi nakapasa sa isang subject ay nangangahulugan ng panibagong gastos, muling pagpupuyat upang mag-review, at paggugol ng oras sa pagpasok muli sa klase.

Kung papipiliin sa pagitan ng pag-aaral o pamilya, para sa isang estudyanteng mula sa Butuan City, mas pinili niya ang kaniyang anak kaysa sa kanilang pagsusulit.

Viral ngayon ang post ng guro mula sa Saint Joseph Institute of Technology sa Butuan City tungkol sa kaniyang estudyante at anak nito.

Imahe mula kay Clariz Jane Lasala via Facebook

Ayon sa gurong si Clariz Jane Lasala, isa sa kaniyang mga estudyante ang nagpaalam umano kung maaaring hindi muna siya kumuha ng kanilang pagsusulit dahil wala umanong mag-aalaga sa kaniyang anak. Ngunit hindi pumayag si Lasala at sinabing kunin pa rin ng kaniyang estudyante ang pagsusulit kasi siya mismo ang mag-aalaga sa anak nito.

Take the quiz and I’ll take care of your baby.”

This experience is from above to help me become a person for others and I count this as a blessing. I am blessed and truly full,” ani Lasala sa kaniyang Facebook post na mayroon na ngayong 6,000 reactions na halos puro “heart” react.

Isang fresh-graduate si Lasala mula sa Xavier University-Ateneo de Cagayan at anim na buwan pa lang umano siyang nagtuturo sa Saint Joseph Institute of Technology. Maraming mga netizens ang humanga kay Lasala dahil sa kaniyang ginawa para sa kaniyang estudyante at sa anak nito.

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: