From 60 minutes to 6 minutes: Lalaki tumatawid na lang ng ilog para makaiwas sa traffic

  • Nakaisip ng solusyon ang isang lalaki na laging pinoproblema noon ang trapiko
  • Araw-araw gumagamit ng paddle board si Liu Fucao para tumawid sa Yangtze River 
  • Mula sa 60 minuto (isang oras) na biyahe ay anim na minuto na lamang ngayon ang biyahe ni Liu papasok sa trabaho

Dahil sa dami ng nasasayang na panahon sa gitna ng trapiko, minabuti ng isang Chinese man na tumawid na lamang ng ilog sa pamamagitan ng paddle board para mas madaling makapasok sa kanyang trabaho.

Image capture from YouTube | Video Precede

Inaabot ng 60 minuto o isang oras sa biyahe papasok sa trabaho ang insurance agent na si Liu Fucao. Noon, katulad ng marami ay nagmamaneho siya papasok sa trabaho o kaya naman ay sumasakay ng bus. Ngunit nang biglang magsimula ang maintenance work sa tulay na dinadaanan niya palagi, napagtanto niya na para bang hindi niya kakayaning talunin ang trapiko bilang isang komyuter.

Dahil dito, naisipan niya na tumawid na lamang araw-araw ng Yangtze River gamit ang isang paddleboard  –  at hindi siya nabigo. Kung noon, inaabot siya ng isang oras sa biyahe tuwing umaga, ngayon ay anim na minuto lamang ang ginugugol niya sa pagtawid sa ilog at nararating na niya ang kanilang opisina.

Salamat daw at nakahiligan niya ang paddle-boarding sa loob ng dalawang taon kaya naging madali na lamang para sa kanya ang pagtawid sa ilog. Ngayon, inilalagay na lamang niya ang mga importanteng gamit — kabilang na ang kanyang laptop at coat — sa loob ng isang waterproof bag.

Image capture from YouTube | Video Precede

“It’s little more than 1,000 meters [across the river], but if I drive my car I have to take detours to get to work,” sabi ni Liu sa Pear Video.

Panoorin si Liu habang tumatawid sa Yangtze River gamit ang isang paddleboard:

Sources: YouTube, People’s Daily Online, Oddity Central


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: