Fine arts student gumawa ng miniature na barong-barong

  • Ibinahagi ng isang fine arts student ang litrato ng kaniyang ginawang miniature ‘barong-barong’ sa social media
  • Maraming netizens ang namangha sa likhang ito ng estudyante dahil kuhang-kuha nito ang bawat detalye ng mga bagay na makikita sa isang barong-barong
  • Ayon sa lumikha nito, sinasalamin ng barong-barong ang kondisyon ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pinoy sa Maynila
Imahe mula kay Lianne Tamares via Facebook

Naniniwala ka ba na ‘small things are cute?’ Ito man ay mapa-height ng isang tao, pusa, aso, sanggol, o maski ang maliliit na figurines na makikita sa ibabaw ng kabinet na lalagyan ng inyong telebisyon.

Sa katunayan, mayroong mga bagay ang pinapanatili at ginagawang maliit bilang isang uri ng sining. Sa Japan nagmula ang paglikha ng bonsai trees o iyong mga punong maliliit at hindi na hinayaang lumaki pa. Ang mga bonsai trees na ito ay kalimitang ginagamit na dekorasyon sa loob ng bahay at pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa isang tahanan.

Ngunit ngayon, marami nang mga bagay ang maaaring gawan ng maliliit na bersyon o “miniature,” dahil bukod sa mas mahal ang mga ito, mas maganda rin itong gawing regalo at pandekorasyon.

Imahe mula kay Lianne Tamares via Facebook

Kalimitan sa mga miniature na ito ay mga figurines na hango sa mukha ng tunay na tao, mga jeepneys na binebenta sa souvenir shops, mga modelong gusali na idini-display sa malls, at marami pang iba.

Marami na ngang mga tao ang tumatangkilik sa mga miniature na bagay. At kamakailan nga ay nag-viral ang litrato ng miniature na barong-barong na gawa ng isang estudyante mula sa University of the Philippines sa Baguio City.

Ang barong-barong ay isang tradisyonal na bahay sa Pilipinas na gawa lamang sa mga simpleng materyales tulad ng kahoy.

Imahe mula kay Lianne Tamares via Facebook

Unang ibinahagi ng Fine Arts student na si Lianne Tamares ang litrato ng miniature barong-barong sa kaniyang Twitter account, at ‘di kalaunan ay sa Facebook. Ginawa umano niya ang miniature barong-barong bilang proyekto sa kaniyang materials class.

Tunay ngang kahanga-hanga ang miniature barong-barong na ito na kuhang-kuha ang bawat detalye ng mga bagay na malimit na makikita sa bahay ng mahihirap na lugar sa Maynila. Dalawang linggo umano ang ginugol na oras ni Lianne upang ito ay matapos.

Ang mga litratong ito ay pinost at ibinahagi rin ng Philippine Star Facebook page. Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 41,000 reactions at 8,000 shares mula sa mga netizens na puro paghanga at papuri kay Lianne ang ibinibigay na komento.

Ang galing, ‘ di ba?

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: