‘Echo bag’: Sisidlan na may mukha ng aktor na si Jericho, kinaaliwan sa Facebook

  • Kinaaaliwan ngayon ng maraming social media users ang isang eco bag na may mukha ng aktor na si Jericho Rosales
  • Sa Facebook, ini-upload ni Gabriel Valerio ang tinatawag niyang “Echo Bag”
  • Nagbigay ng good vibes sa libo-libong netizens ang nasabing post

Sa gitna ng mga seryosong usapan tungkol sa kalikasan, tila naging pansamantalang pahingahan ng mga netizens ang post ng isang Facebook user.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ini-upload ni Gabriel Valerio ang tinatawag niyang “Echo Bag” — bagay na nagbigay ng good vibes sa libo-libong netizens na nakakita ng nasabing post.

“Ang mga tunay na environmentalist lang ang magse-share nitong ‘Echo Bag’ ko,” saad niya sa caption.

Kinaaliwan ito ng maraming users; mayroong mga nag-iwan ng kumento sa post, mayroong mga nag-share, mayroong mga nang-tag ng kakilala, habang mayroon ding mga nagtatanong kung ibinebenta ba ang “Echo Bag” na ini-upload ni Gabriel sa social media.

Matatandaang “Echo” ang palayaw ng aktor na si Jerico Rosales.

Bagama’t nakakatawa ang litrato ay ipinaaalala rin nito sa mga tao ang kahalagahan ng paggamit ng mga environment-friendly bag, kaysa sa mga plastic bag na hindi kaagad natutunaw at nagiging dahilan pa ng polusyon sa kapaligiran.  Makikita na may mukha ito ng artista pero kung titingnang maigi sa malapitan ay may nakasulat din dito na “eco bag”, na ang ibig sabihin ay eco-friendly bag.

Image via Gabriel Valerio | Facebook

Malaki ang maitutulong nito para sa mga gustong makatulong sa pagliligtas sa kalikasan.

Samantala, mismong si Jericho ay naaliw sa ginawang ito ni Gabriel at ibinahagi pa ito sa kanyang verified Instagram account. Aniya, dapat ngang magkaroon nito ang mga nagmamahal sa kalikasakan.

“This has been going around. Yes, a truly lover of mother nature must have one. Gabriel Valerio’s version of ‘#EchoBag’,” saad ni Jericho sa caption ng ibinahagi niyang litrato.

Ikaw, gusto mo rin ba ng Echo Bag?

Image capture from Instagram

Source: Facebook, Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: