‘Eat all you can’ rambutan, mayroon sa Ilocos Norte

  • Kalat ngayon sa social media ang litrato ng isang farm sa Ilocos Norte
  • Nakatawag pansin sa maraming netizens ang litratong ito dahil sa inaalok nitong ‘eat all you can’
  • Ngunit imbes na ulam, ang prutas na rambutan ang maaaring kainin dito at maaari ding mamitas ng mga rambutan ang mga bisita

Naranasan mo na bang kumain sa restaurant na may promo na “Eat all you can?”

Imahe mula kay Emmylou Arruejo Jomero

Patok na patok sa marami, lalo na sa mga Pinoy, ang kumain sa mga restaurant na nag-aalok ng ‘eat all you can.’ ‘Yun bang bukod sa unlimited ang mga pagkain, may mga pagpipilian din na iba’t ibang ulam, dessert, at inumin. Sino ba naman ang tatanggi — lalo na kung hindi ikaw ang magbabayad?

Sa ngayon, laganap na ang mga restaurant at maski maliliit na kainan na mayroong mga buffet o ‘eat all you can’ na promo para sa mga mahilig kumain o kaya’y may selebrasyon.

Kalimitan sa mga patok na restaurant ngayon ay nag-aalok ng mga unlimited samgyupsal o pork belly; isang uri ng pagkain mula sa Korea. Mayroon din namang may specialty na hatid ng iba-ibang probinsiya.

Bukod sa usong-usong samgyupsal ngayon, mayroon din namang mga buffet restaurant na nag-aalok ng mga putaheng Pinoy. Mayroon ding halo-halong pagkaing Chinese, Japanese, Italian, o American na makikita sa ilang mga buffet restaurants. Kaya naman sa sobrang dami ng mga kainan ngayon na nag-aalok ng ‘eat all you can,’ kaniya-kaniyang diskarte at paandar ang ginagawa ng mga restaurant owners.

Imahe mula kay Emmylou Arruejo Jomero

Ngunit sa isang lalawigan sa Ilocos Norte, may kakaibang ‘eat all you can’ silang inaalok. Imbes kasi na mga sari-saring ulam, ang maaaring kainin dito –  ilan man ang kaya mo – ay ang prutas na rambutan.

Sa litrato mula kay Emmylou Arruejo Jomero na ibinahagi sa Facebook ng Philippine Star, makikita dito ang mga panawagan ng farm tungkol sa mga bisitang nais mamitas at kumain ng rambutan.

Kung sa mga buffet at eat-all-you-can restaurants ay mayroong time limit para lang makakakin, dito ay wala umanong itinakdang oras kung hanggang kailan lang maaaring kumain ng rambutan.

Ang bukid na ito, na makikita sa Adams town, Ilocos Norte, ay talaga umanong taniman ng mga rambutan. Hitik sa bunga ang kanilang mga puno lalo na ngayong  panahon ng rambutan.

Imahe mula kay Emmylou Arruejo Jomero

 

Bukod sa pagkain ng kahit ilan, maaari ding personal na mamitas ng mga rambutan na maiuuwi ng mga turista. Ang isang kilo ng mga napitas ay nagkakahalaga lamang ng 100 pesos.

Ang mga larawang ibinahagi sa Facebook ay mayroon nang mahigit 11,000 reactions mula sa mga netizens na tuwang-tuwa sa kakaibang ‘eat all you can’ na rambutan.

Bilang prutas, mayroong magandang benepisyo ang rambutan sa ating katawan. Mayaman sa nutrients at antioxidants ang rambutan at mabuti rin ito sa ating digestion.

Imahe mula kay Emmylou Arruejo Jomero

Sources: Facebook, Healthline


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!