‘Dito malalaman lahat tungkol kay crush noong wala pang FB’: Netizens, binalikan ang kanilang ‘slam book days’

Images via We are 2K Kids (Kami ang Batang 2k's) and Pixabay
  • Binalikan ng maraming Facebook users ang kanilang “slam book days”
  • Sa Facebook group na We are 2K Kids (Kami ang Batang 2k’s), ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang isang slam book page
  • Marami ang nagsabi na dito raw nila nalalaman ang lahat tungkol sa kanilang napupusuan noong panahong wala pang Facebook

Isa ka ba sa napakaraming kabataan na nalibang noon sa pagsagot at pagpapasagot sa slam book?

Image via Pixabay

Sa Facebook group na We are 2K Kids (Kami ang Batang 2k’s), ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang isang slam book page; isang post na nagpabalik sa napakaraming alaala ng kabataan, ng mga panahong simple lamang ang lahat at maraming oras para sa mga ganitong libangan.

Marami ang nagsabi na dito raw nila nalalaman ang lahat ng tungkol sa kanilang napupusuan noong panahong wala pang Facebook at hindi pa nakikita sa news feed ang mga ginagawa at interes ng taong gusto nila; mula sa paboritong pagkain at kulay, hanggang sa mga katangiang hinahanap nila sa isang tao, at kung papalarin, malalaman din ng nagpapirma kung sino ang nagugustuhan ng sumagot.

Karaniwan ito sa mga high school students noon. Ang sistema pa nga, pagtitiyagaan talaga na pasagutin ang halos lahat ng kaklase pero sagot lang naman ng isang tao ang hinahangad na makita.

“‘Noong ‘di pa uso ang Facebook, dito mo malalaman lahat about sa crush mo,” saad ng nag-post ng larawan ng slam book na si JC Pangilinan.

Image capture from Facebook

“Kunwari lahat kayo gagawa n’yan. Pasa-pasahan lang tapos ‘yong crush lang pala ang gusto mong malaman,” pagbabahagi naman ng isa sa mga miyembro na si Jhon Joniel Hagtusan.

Samantala, may mga nakaalala rin ng mga karaniwang sagot sa slam book; kabilang na ang “time is gold” na motto, ang “secret” sa tanong kung sino ang crush, at ang “it’s a pleasure na pina-sign mo ako rito” sa espasyo na nakalaan para sa dedication.

Ikaw, ano ang mga hindi mo malilimutang alaala mula sa iyong “slam book days”? Ibahagi sa comments section at sabay-sabay tayong bumalik sa kahapon!

Source: Facebook