‘Dalaga na si Daldalita’: Netizens, namangha sa bagong post na larawan ni Jillian

  • Namangha ang mga netizens sa bagong post na larawan ni Jillian Ward
  • Nakilala bilang “Trudis Liit”, talaga namang malayo na si Jillian sa pagiging bata
  • May mga nakaramdam din ng nostalgia lalo na at minahal talaga ng marami si Jillian noon bilang isang child wonder

“Trudis Liit no more”, “dalaga na si Daldalita” — ilan lamang ang ito sa mga naging mga kumento ng netizens sa bagong post na larawan ng dating child star na si Jillian Ward.

Daldalita poster

Bagama’t bumalik na siya sa telebisyon bilang isang teen star, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagugulat na mukha na talagang dalaga ang napaka-cute at napakabibong child star noon.

Kaya naman agad na nakakuha ng libo-libong Facebook reactions, Instagram favorites, at comments ang isa sa kanyang mga recent photos. Sa litratong ito, marami ang namangha sa kagandahan ng 14-anyos na actress, habang may mga nakadama rin ng nostalgia lalo na at minahal talaga ng marami si Jillian noon bilang isang child wonder.

“Ang laki na ng favorite child star ko at ang pretty pa!” kumento ng Facebook user na si James Awayan.

“Magandang dalaga ka na, Jillian. Take care and be safe,” sabi ng Instagram user na si @mhin113.

“Parang kailan lang noong naglalakad-lakad at nagpupulot-pulot siya ng dahon para laruin sa campus…ngayon she’s a beautiful young lady na,” pagbabalik-tanaw ni Jerome Velasquez na mukhang nakita na sa personal si Jillian noong bata pa ito.

Sabi naman ng ilan, sana sila rin maganda ang hitsura kahit nakaupo lamang sa simpleng damuhan.

Images via @jlllian | Instagram

As of posting, nakakuha na ng lampas 10,000 shares at mahigit 56,000 reactions ang nasabing larawan matapos itong i-upload sa kanyang Facebook page. Samantala, mayroon na rin itong halos 93,000 favorites sa Instagram account ni Jillian.

Ikaw, nami-miss mo rin ba ang batang Jillian? Huwag kang mag-alala, marami pa siyang patutunayan at tiyak na mas mamahalin mo pa siya.

Sources: Instagram, Facebook, Kicker Daily News, DF Balita


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: