Colored pencil drawing ng aktor na si Tom Holland, hinangaan online

  • Isang artist ang nag-post ng kaniyang gawang colored pencil drawing sa kaniyang Facebook page
  • Maraming netizens ang humanga sa drawing na ito ng aktor na si Tom Holland na ang litrato ay kuha mula sa kaniyang photoshoot para sa isang magazine
  • Lubos na nakabibilib ang drawing na ito dahil hindi ito halatang iginuhit lamang gamit ang mga colored pencils kundi parang aktuwal na litrato ng aktor
Imahe mula kay Heather Rooney Art via Facebook

Ayon sa sikat na pintor na si Pablo Picasso, ‘good artists copy, great artists steal,‘ ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay nangongopya lang sila ng mga gawa ng iba.

May mga sinusundang pamamaraan ang mga artists sa paggawa ng kanilang sining, ngunit magkakaiba naman sila ng interpretasyon pagdating sa kahulugan nito.

Sa buong mundo, kinikilala na ang paglikha ng sining bilang isang propesyon. Kaya naman maraming mga colleges at universities ang nag-aalok ng mga programang may kinalaman sa sining tulad ng Bachelor of Fine Arts, Bachelor of Arts in Animation, Bachelor of Arts in Multimedia arts, at marami pang iba.

Kung noon ay makikilala at matutunghayan lamang ang mga likhang sining ng isang artist sa pamamagitan ng paggawa ng art exhibitions o pagsali sa mga art competitions, ngayon ay madali na nilang naipapakita sa mga tao ang kanilang artworks.

Imahe mula kay Heather Rooney Art via Facebook

Dahil sa iba’t ibang social networking sites na mayroon ngayon, maaari nang i-upload ng mga artists ang kanilang artworks sa kanilang mga social media accounts at maaari na itong makita at ma-share ng mga netizens mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ito nga ang paraan na ginawa ng freelance artist na si Heather Rooney sa kaniyang Facebook page na Heather Rooney Art upang mas makilala ang mga artworks na kaniyang nililikha.

Kamakailan ay ibinahagi ni Rooney ang kaniyang drawing ng Spiderman actor na si Tom Holland gamit lamang ang mga colored pencils. Si Rooney ay isang freelance artist specializing in hyperrealistic colored pencil and graphite drawings.

Imahe mula kay Heather Rooney Art via Facebook

Ayon kay Rooney, kinuha niyang inspirasyon sa kaniyang drawing ang nakaraang magazine photoshoot ng aktor habang ito ay nakasuot ng coat. Ayon pa sa artist, naging hamon sa kaniya ang pagguhit sa coat ng aktor dahil sa komplikado nitong disenyo.

Tunay nga namang nakabibilib ang drawing na ito ni Rooney dahil hindi ito nagmukhang ginuhit lamang, mapagkakamalan itong isang litrato sa pagiging sobrang makatotohanan ng drawing.

Ibinahagi rin ni Rooney ang video tutorial kung paano niya ginuhit ang larawang ito ni Holland pati na rin ang mga ginamit niyang materyales at drawing pencil colors.

Panoorin ang video tutorial dito:

Sources: Facebook, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: