Childhood memories: Walkie-talkie ng Jollibee, ang cellphone noon ng mga batang 90s

  • Isa sa mga naging paboritong laruan ng mga batang 90s ang Jolly Wacky Talky
  • Sa Facebook group na Classic Pare® Titos and Titas of Manila, ibinahagi ng isang miyembro ang mga litrato ng mga walkie-talkie na Jollibee at Mr. Yum
  • Maraming group members ang nagbalik-tanaw dahil sa mga larawang ito

Natatandaan mo pa ba ang mga walkie-talkie na idinisenyo sa imahe ng mga karakter mula sa sikat na fast food restaurant na Jollibee? Nagkaroon ka rin ba ng Jolly Wacky Talky?

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na Classic Pare® Titos and Titas of Manila, bumalik sa nakaraan ang marami matapos mag-post ang isa sa mga miyembro na si Irvin Salazar ng mga litrato ng walkie-talkie na Mr. Yum at Jollibee. Aniya, bago nagkaroon ng cellphone ay ito muna ang ginamit nila ng kanyang kapatid.

“Ito talaga ‘yong pinakaunang phone namin ng kuya ko, e,” saad niya sa caption ng mga larawan.

“Hahaha mayroon kami ng kapatid ko, ‘pag nagkakagalit kami, diyan kami nag-uusap noong maliliit pa kami,” kuwento ng member na si Sally Datay.

“Pangarap ko makabili niyan noong bata pa ako,” pagbabalik-tanaw ni Patrick Valencia.

“Shout out sa mga classmate kong may ganito na ayaw magpahiram,” biro naman ni Kathrina Javier.

Samantala, may mga nagsabi rin na naitabi pa nila ang mga classic na laruang binili sa Jollibee.

“Mayroon pa rito niyan sa house namin hanggang ngayon. Pangatlong pair ng phone toys, walkie-talkie ng eldest daughter ko at eldest son ko. Kasi ‘yong una at pangalawang fone nila dito sa house e ‘yong may wire,” pagbabahagi ni Sheilamarie Geronimo Roxas.

Image capture from Facebook

“I still have the one I bought before for my kids. Now, they are 28 and 27 years old,” ani Tancing Valenzuela.

Ikaw, nagkaroon ka rin ba ng Jolly Wacky Talky noon? Naitago mo pa ba ito? Ano-ano ang naaalala mo kapag nakikita ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: