Bus papuntang Bicol, mayroon nang lazyboy seats para sa mga pasahero

  • Inanunsyo ng isang bus company ang bago nilang inaalok na mga sasakyan para sa mga bumibiyahe papuntang probinsya ng Bicol
  • Ang mga bus na ito na tinawag na “Lazyboy Skybus Premiere” ay mayroong mga upuang “lazyboy” o iyong maaari kang sumandal nang komportable habang nakaupo
  • Sa ngayon ay bumibiyahe na ang lazyboy buses mula Cubao papuntang Naga
Imahe mula Freepik

Kalimitan sa kalbaryo ng mga pasaherong pumupunta sa malalayong lugar o probinsya ay ang tagal ng biyahe.

Dito lang sa Pilipinas, ang biyahe mula Maynila papuntang Bicol ay umaabot na ng hanggang walong oras kapag nakasakay sa bus. At sa loob ng walong oras na ito ay nakaupo lang ang pasahero. Dahil dito, minsan ay nakararamdam sila ng pagsakit ng katawan o pangangalay.

‘Di tulad sa eroplano na mabilis lang ang biyahe, bukod sa matagal na ang biyahe sa pagsakay ng bus ay nakahihilo rin ang mga daan na tinatahak nito.

Image courtesy of Bicol Isarog Transport System Inc. via Facebook

Kaya naman mayroong ibang kompanya ng bus ang nag-aalok ng mga sasakyang mayroon nang palikuran sa loob, para sa mga pasaherong hindi na makapaghintay pa sa susunod na bus stopover.

Ngunit ngayon, hindi lang palikuran sa loob ng bus ang inaalok ng mga bus companies. Kamakailan ay inanunsyo ng Bicol Isarog Transport System Inc. ang kanilang bagong mga bus na mayroong malalaking “lazy seats.”

Tinawag na “Lazyboy Skybus Premiere,” ang lazyboy seats ay mga upuang maaaring ipahiga upang mas maging komportable ang mga umuupo tulad ng mga pasaherong bumibiyahe nang malalayo.

Image courtesy of Bicol Isarog Transport System Inc. via Facebook

Sinabi ng Bicol Isarog Transport na ang mga lazyboy buses na ito ay bumibiyahe na mula Cubao papuntang Naga sa Bicol. Ngunit ang presyo ng pamasahe sa mga lazyboy buses ay malayong-malayo sa presyo ng pamasahe sa mga ordinaryong bus papuntang Bicol.

Ang nasa harap na pang-isahang oversized recliners lazyboy seat ay nagkakahalaga ng P2,000, samantalang ang ibang lazyboy seat na pangdalawahan ay nagkakahalaga ng P1,250. Bakit? Because comfort has a price.

Sources: Facebook, ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: