Big fan ni Donny Pangilinan, sinurpresa ng mga kaklase ng 18 Donny’s imbes na 18 roses

  • Isang estudyante na sinurpresa ng debut celebration sa classroom ang nag-trending sa social media
  • Bilang isa sa mga masugid na tagahanga ni Donny Pangilinan, imbes na 18 roses ay binigyan ito ng 18 Donny’s
  • Ni-retweet pa ng kanyang idol ang post ng kanyang debut

Karamihan sa sa mga kababaihan ay mayroong pangarap na makaranas ng isang magandang paraan ng pagdiriwang sa pagsapit ng ika-18 kaarawan nila.

Imahe mula sa Twitter account ni Shao-Eng

Karaniwan ay gustong i-celebrate ito sa mala-prinsesang paraan— naka-gown, maraming bisita, at masasarap na handa.

Mayroon din namang iba na masaya nang makatanggap lamang ng kanilang pinapangarap na kotse o minsan ay pera na lamang mula sa magulang. Subalit karaniwan sa ating mga Pinoy ay okay na ang simpleng handaan kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Ngunit paano ang galak na ating mararamdaman kung sa mga ganitong okasyon ay i-surpresa tayo ng ating mga kaibigan at ihatid sa atin ang pinakahinahangaan nating artista?

Imahe mula sa Twitter account ni Shao-Eng

Trending ngayon sa Twitter ang nakatutuwang pagsurpresa ng mga kaibigan at kaklase ng isang estudyante na nagngangalang Shao-Eng sa ika-18 na kaarawan nito.

Binigyan siya ng mga ito ng sarili niyang version ng 18 roses kung saan sa halip na mga kaibigang lalake na may dalang mga rosas ay nagkaroon ito ng 18 na kaibigan na nakasuot ng maskara na may iba’t-ibang mukha ni Donny Pangilinan.

Labis ang tuwa ng estudyanteng ito na certified big fan ni Donny.

Imahe mula sa Twitter account ni Shao-Eng

Maraming netizens ang napa “sana all” na komento sa trending post na ito sa Twitter.

Ngunit bukod sa “almost” dream come true sa kanyang kaarawan, nadagdagan pa ang kanyang kagalakan nang mismong si Donny Pangilinan  ay ni-retweet ang nasabing post na may caption na “CUTE”.

Hindi ito pinalampas ni Shao-Eng, at agad na nag-reply: Sa wakas, kahit walang greeting, this is more than enough. Love you dodong!”

Imahe mula sa Twitter account ni Shao-Eng

 

Sources: Twitter Twitter Twitter Twitter


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: