Bea Alonzo nagpost ng litrato nila ni John Lloyd Cruz: A Last Chance?

  • Maraming mga netizens ang kinilig sa recent post ng aktres na si Bea Alonzo sa kaniyang social media account
  • Sa litrato kasing ito ay kasama niya ang dati niyang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz
  • Maraming ispekulasyon ang mga fans tungkol sa litrato na may caption na: Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?
Imahe mula kay John Lloyd Cruz via Instagram

Maraming mga Pinoy ang tumawa, umiyak, at naka-relate sa kuwento nina Popoy at Basha sa pelikulang One More Chance noong 2007. Dahil marami ang nabitin sa kuwento ng dalawa, sinundan pa ito ng sequel na A Second Chance noong 2015.

Naging box office hit ang dalawang pelikula at naging iconic characters sina Popoy at Basha. Sila rin minsan ang ginagawang meme sa social media kapag tungkol sa mga hugot lines.

Hindi na nasundan pa ng pelikula ang love team nila Bea Alonzo at John Lloyd Cruz pagkatapos ng A Second Chance. Nagkaroon na sila ng kani-kaniyang career at buhay pag-ibig, ngunit tulad sa pelikula, nandoon pa rin ang drama.

Imahe mula kay John Lloyd Cruz via Instagram

Hanggang sa nito lang, maraming netizens ang muling kinilig at na-excite dahil sa isang post ni Bea sa kaniyang Instagram account.

Kasama kasi ng aktres sa litrato ang long-time onscreen partner niyang si John Lloyd; lalo na at ang litratong ito ay may pagkakahawig sa isang eksena sa box office hit nila na “One More Chance.”

Isa pa sa nagpakilig at nagpa-excite sa maraming Pinoy ay ang caption ni Bea sa litrato na: Matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?

Marami tuloy ang nagkaroon ng haka-haka na magkakaroon ng kasunod na pelikula ang kuwento ni Popoy at Basha. Ngunit mukhang sinagot na rin ni Bea ang mga ito sa kaniyang mga ginamit na hashtags sa litrato: #TaraTurksTayo #EverydayMakeItATurksday #MasMasarapKungSaanKaMasaya

Kamakailan lamang, lumabas ang video ni John Lloyd bilang newest endorser ng pagkaing Turks; ang pinakauna niyang proyekto simula noong nagpahinga siya sa showbiz ng mahigit dalawang taon.

Imahe mula kay Bea Alonzo via Instagram

Noong mga nakaraang buwan pagkatapos ng kaniyang mahabang pagpapahinga sa pag-arte, unti-unting naging active si John Lloyd sa kaniyang IG account at nagkaroon din siya ng cameo role sa upcoming film na “Culion.”

Namataan din na magkasama ang dalawa sa Palawan, ngunit wala silang kinumpirma na kahit ano tungkol sa kanilang reunion.

Sa IG post ng aktor, nag-upload siya ng larawan na kasama si Bea na may caption na: Set namin. At sa kanyang account na @dumpsitegallery, ibinahagi naman niya ang isang video clip kung saan ay makikita sila ni Bea: “coming soon finally … behind the scenes”.

Sa isang interview naman ng ABS-CBN News kay Bea, sinabi niya na masaya siyang nakasama muli ang dating ka-loveteam.

We were with friends also. But I can’t disclose what it’s for, yet! Pero, ano ‘yan, surprise,” ani Bea na lalong nagpapasabik sa kanilang mga tagahanga. Kaabang-abang!

Sources: Instagram, ABS-CBN News, ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!