‘Bata pa lang cute na’: Larawan ng 5-anyos na Alden Richards, kinaaliwan sa Instagram

  • Kinaaliwan ng Instagram users ang lumang larawan ng “Pambansang Bae”
  • Sa litrato, makikita ang limang taong gulang noon na si Alden Richards habang kalong ng kanyang Papa Danny
  • Marami ang natuwa dahil bukod sa noon pa man ay cute na raw si Alden, makikita rin sa larawan na isa siyang malambing at mapagmahal na bata

Bago nakuha ni Kapuso actor Alden Richards ang titulong “Pambansang Bae”, nauna na siyang kinagiliwan ng kanyang pamilya bilang isang napaka-cute na bata.

Image from Instagram

Sa Instagram, kinaaliwan ng maraming users ang isang rare photo na ibinahagi ni Alden sa kanyang account kamakailan. Batang-bata pa ang aktor noon at, aniya, limang taong gulang pa lamang siya sa litrato kung saan kalong siya ng kanyang Papa Danny.

Marami ang natuwa dahil bukod sa nakita nila na noon pa man ay cute na si Alden, makikita rin sa larawan na isa siyang malambing at mapagmahal na bata.

“Guwapo na talaga bata pa lang, kita mo nang may magandang future,” wika ni @jb_gallardo.

“Heartwarming! Love seeing your photos with your family,” kumento ng guro na si @teacher_ana_7.

“Bait talaga ni Alden. Sanang huwag ka magbago, ah,” hiling ni @kb_rodjamil08

As of posting, nakakuha na ng mahigit 78,000 favorites ang lumang larawan ng Kapuso actor na unang tinawag na Pambansang Bae sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga noong 2015. Nang madiskubre ang chemistry nila ng Dubsmash Queen na si Maine “Yaya Dub” Mendoza ay bumida sila sa Kalyeserye at sinimulang tawaging AlDub na naging isang phenomenal love team.

Image via Alden Richards | Instagram

Sa kasalukuyan ay umeere ang teleserye ni Alden na The Gift, kung saan gumaganap siya bilang isang visually impaired. Bilang paghahanda sa kanyang karakter, bago mag-tape ay sumabak siya sa immersion sa tulong at guidance ng Resources for the Blind Incorporated; isang grupo na tumutulong sa mga pr0blema sa paningin.

Kilala sa pagkakaroon ng mabuting kalooban, naantig daw si Alden sa papel na ginagampanan niya.

“Nakaka-move lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga ‘yong pakiramdam ng isang bulag,” wika ng Pambansang Bae,

Source: Instagram, PEP


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!