Ba’t ganito? Lalaki, dismayado sa kinalabasan ng inorder niyang Moana cake

  • Dismayado ang isang lalaki sa kinalabasan ng inorder niyang “Moana cake”
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Roger Joseph Samulyev Voskovich ang litrato ng naging hitsura ni Moana sa cake na ipinagawa nila
  • As of posting, nakakuha na ang nasabing “Moana cake” ng mahigit 8,000 reactions at lampas 20,000 shares

Isa ang kaarawan sa pinakamasasayang okasyon sa buhay ng tao, lalo na para sa mga bata. At kabilang sa mga inaabangan sa tuwing kaarawan ay ang hitsura at lasa ng birthday cake.

Image capture from Facebook

Pero paano kung hindi katulad ng inaasahan mo ang cake na dumating sa araw ng selebrasyon? Paano kung malayong-malayo ang hitsura ng nayaring cake kumpara sa imaheng pinaggayahan nito.

Sa Facebook, ibinahagi ng isang lalaki ang kanyang pagkadismaya sa kinalabasan ng inorder nilang “Moana cake”. Ibang-iba kasi ang hitsura ng Disney character sa nasabing cake.

“Moana po inorder namin,” pagpapaalala ni Roger Joseph Samulyev Voskovich sa caption ng mga larawan ng cake na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Iba’t iba ang reaksyon ng mga social media users sa nasabing cake; may mga natawa, may mga nadismaya, may mga nainis, at mayroon din namang mga naka-relate. Bakit nga ba iba ang hitsura minsan ng nagagawang cake sa hitsura nito kapag nasa catalog? Bakit nga ba hindi sinasabi ng ibang namamahala ng bakeshop kung hindi nila kayang makuha ang gusto ng kanilang kliyente?

Sa kabilang banda, may mga nagtanong din kung magkano ba ang ibinayad para sa cake at may mga naawa rin sa may gawa ng cake, bagama’t hindi naman sinabi ng post kung saan ito inorder.

Image via Roger Joseph Samulyev Voskovich | Facebook

As of posting, nakakuha na ng mahigit 8,000 reactions at lampas 20,000 shares ang “Moana cake”.

Ikaw, nangyari na rin ba sa iyo ang katulad nito? Ibahagi sa social media ang mga aksy0n na iyong ginawa.

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: