Bandang Ben&Ben, kumanta ng ‘Pagtingin’ habang nakasakay sa roller coaster

  • Maraming netizens ang kinatutuwaan ngayon ang video ng bandang Ben&Ben
  • Makikita kasi sa video ang magkapatid na vocalist ng banda habang magkatabing nakasakay sa isang roller coaster
  • Ngunit imbes na sumigaw sa takot, sinubukan pa ng dalawang kumanta ng kanilang hit single na “Pagtingin”
Imahe mula sa Ben&Ben via Twitter

“‘Di ba nga ito ang iyong gusto? Oh, lilisan na ako...”

Sino nga bang Pinoy ang hindi nakakaalam ng lyrics na ito na unang narinig noong 2017?

Bukod kasi sa madramang lyrics at soulful na pagkatanda, bago rin sa pandinig ng mga tao ang pangalan ng bandang kumanta ng “Kathang Isip“, ang Ben&Ben.

Bago man sa music industry ang tinaguriang indie folk/folk pop band na Ben&Ben, tumagos naman sa puso ng mga Pinoy ang kanilang musika. Hindi lamang dahil sa kakaibang musika na kanilang ipinarinig kundi pati na rin sa malulungkot na kuwento ng kanilang mga awit.

Ang karamihan sa mga kilalang kanta ng banda ay ang “Maybe the Night,” “Ride Home,” “Leaves,” at “Pagtingin.” Ngunit ang kanta nilang Kathang Isip ang nagbigay daan sa banda upang sila’y mas makilala pa.

Imahe kuha mula sa video ng Ben&Ben via Facebook

Hindi maipagkakaila ang galing nga mga miyembro ng bandang Ben&Ben na binubuo nina Paolo at Miguel Guico, ang magkapatid na bokalista na mas naunang nakilala bilang The Benjamins. Poch Barretto on electric guitar, Jam Villanueva on drums, Agnes Reoma on bass, Patricia Lasaten on keyboards, Toni Muñoz at Andrew de Pano on percussions, at Keifer Cabugao on violin.

Sa ngayon, ang music video ng kanta nilang Kathang Isip ay mayroon nang 33 million views sa YouTube. Ngunit mas lalo pang nakilala ang banda ngayon hindi lang dahil sa kanilang kanta at music video kundi dahil sa isang roller coaster challenge video na kanilang in-upload sa social media.

Sa kanilang Twitter account na @BenAndBenMusic unang i-upload ng banda ang video nina Paolo at Miguel habang nakasakay sa isang roller coaster at sinubukang kantahin ang hit single nilang “Pagtingin.”

(I-click ang imahe upang mapanood ang video | Ben&Ben via Facebook 

Sa nakaaaliw na 1:30-minute video na ito ay makikita sina Paolo at Miguel habang magkatabing nakasakay sa roller coaster. Mayroong back up instrumental pa ang dalawa habang todo bigay sa pag-awit na tila nasa loob ng recording studio.

Mahahalata sa mukha ng dalawa ang takot habang unti-unting umaakyat ang sinasakyang roller coaster, ngunit hindi naman natitinag ang kanilang boses.

Sa huling bahagi ng video ay tuluyan nang nahinto sa pagkanta ang dalawa habang mabilis na bumaba at umandar ang roller coaster.

Mayroon nang million views ang video nilang ito sa Facebook habang mahigit 77,000 likes naman sa Twitter.

Sources: Twitter, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: