Balik-tanaw: Nagsulat ka rin ba ng lyrics ng mga kanta sa isang notebook?

  • Usong-uso noon ang pagsusulat ng lyrics ng mga kanta sa isang notebook
  • Sa isang Facebook group, ibinahagi ng isang miyembro ang dalawang pahina mula sa isang notebook na sinusulatan noon ng song lyrics
  • Marami ang nagbalik sa nakaraan habang inaalala ang mga gunitang nabuo dahil sa mga kuwadernong nagsilbing song hits noon sa kanila

Isa ka ba sa mga nagsulat ng lyrics ng mga kanta sa isang partikular na kuwadernong nagsilbing song hits sa iyo noon?

Image via Pixabay

Sa Facebook group na Classic Pare® Titos and Titas of Manila, ibinahagi ng isang miyembro ang dalawang pahina mula sa isang notebook na sinusulatan noon ng song lyrics.

“Hello, mga titos and titas! Sino ang gumawa nito noon dahil walang pambili ng song hits?” tanong ng nag-post na si Janneth Evelyn Israel Aquino.

Marami ang nagbalik sa nakaraan habang inaalala ang mga gunitang nabuo dahil sa mga kuwadernong nagsilbing song hits noon sa kanila; saksi sa mga hindi matatawarang jamming at bonding moments nila sa paaralan kapag break time o walang klase.

“Ako rin po, lahat ng magagandang kanta kinokopya ko sa song hits noon. Hahaha! Hihiram ako ng song hits, kokopyahin ko na lahat ng gusto kong kanta,” kuwento ni Emily Palomique Santos.

“Kung ang millennials may playlists ngayon, tayo ‘yan ang playlist natin noon,” sabi naman ng miyembro na si Rosette Cortes Taguinod.

May mga nagsabi rin na hanggang ngayon ay nakatabi ang mga kuwaderno nila; mga notebook ng kanta na may kakabit na napakaraming alaala.

Image capture from Facebook

Samantala, hindi lang naman gumagamit ng notebook para sa song lyrics ang mga estudyante dahil sa wala silang pambili ng song hits. Para sa iba, mas mainam ito dahil napipili nila ang mga kantang paborito nila at napagsasama-sama ang mga ito sa iisang kuwaderno at nalalagyan pa ng artwork.

Ikaw, gumawa ka rin ba nito noon? Kung oo, ano ang dahilan mo sa paggawa? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section nito!

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: