Balik-tanaw: Ang naging ‘Christopher Reeve ng Pinas’, inalala ng social media users

  • Inalala ng maraming social media users ang tinaguriang “Christopher Reeve ng Pinas” na si Miguel Rodriguez
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, may nag-upload ng poster ng aktor kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta
  • Nakilala si Rodriguez sa television sitcom noon na “Palibhasa Lalake”

Natatandaan mo pa ba ang tinaguriang “Christopher Reeve ng Pinas” na si Miguel Rodriguez?

Image via ‎Jay Domingo Ramos‎ | Facebook

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, may nag-upload ng poster ng aktor kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta. Matatandaang naging magkapareha ang dalawa noon sa 1983 movie na “To Love Again”; bagay na nakapagbigay din ng nostalgia sa ilang miyembro ng grupo.

“Love that movie, ‘To Love Again’,” wika ng isa sa mga miyembro na si Jayem Aseret.

“Miguel Rodriguez and Sharon Cuneta sa ‘To Love Again’. ‘Yan ‘yong time na nag-bloom na ang kagandahan ni Sharon,” pagbabalik-tanaw ni Merceditas Che Lacson Ret.

Sa caption ng poster na ini-upload niya, nagbahagi rin ng impormasyon tungkol kay Miguel si ‎Jay Domingo Ramos‎. “November 23, 1961 to Febuary 14, 1997. He was a Filipino actor and model. He got his start in showbusines when he was discovered by Lino Brocka, who cast him in a Close Up commercial in 1981.”

Nakilala si Rodriguez sa kanyang television sitcom noon na “Palibhasa Lalake”. Siya rin ang nasa likod ng mga pelikulang “Bir Mammud: Alyas Boy Muslim”  (1989), “Hindi Kita Iiwanang Buhay: Kapitan Paile” (1990) and “Hanggang Kailan Ka Papatay” (1990).

Image capture from Facebook

Gayunman, nagretiro si Rodriguez noong 1995 matapos ang release ng “Huwag Mong Isuko ang Laban”.

Taong  1997 nang madale ng pancreatitis si Rodriguez sa napakabatang edad na 35.

Gayunman, hindi pa rin siya nakalilimutan ng kanyang maraming tagahanga noon na patuloy na nanghihinayang at nagmamahal sa kanya.

Ikaw, tanda mo pa rin ba ang tinaguriang “Christopher Reeve ng Pilipinas”?

Sources: Facebook, Wikipedia, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: