Alamin: Bakit nga ba iisa lang ang uri ng OOTD ni Direk Paul?

  • Tampok sa latest vlog ni Toni Gonzaga ang kanyang asawa na si Director Paul Soriano
  • Ang tema ng nasabing video ay naglalaman ng mga katanungang hindi pa naitatanong ni Toni sa kanyang asawa
  • Isa sa mga sinagot ng direktor ay kung bakit iisang uri lang ang outfit nito

Kilala sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano bilang isa sa mga sikat na celebrity power couples ngayon.

Imahe mula sa Instagram account ni Celestine Gonzaga

Bagama’t parehong nasa industriya ng showbiz, sila ay parehong matagumpay sa kani-kanilang larangan. Si Toni bilang ultimate multimedia star, habang si Direk Paul naman ay isa sa mga sikat na direktor ng pelikulang Filipino.

Dahil dito ay hindi na kataka-taka kung bakit marami ang followers ng real life couple na ito; isabay pa ang cute na cute nilang anak na si Seve.

Hindi lamang natin nasusubaybayan ang mga updates sa kanilang pamilya mula sa mga balita sa telebisyon kundi mas lalo natin silang nakikilala sa mga vlog entries ni Toni na patungkol sa kanyang pamilya.

Kaya naman, mabilis na nag-trending ang latest vlog ni Toni na tampok ang kanyang asawa na si Direk Paul.

Ang title ng video na ito na naka-upload sa YouTube ay “Questions I have never asked Paul.”

Screenshot mula sa video sa YouTube account ni Celestine Gonzaga-Soriano

Isa sa mga unang katanungan ni Toni ay kung bakit iisa lamang ang uri ng suot ng kanyang asawa araw-araw.

“Why do you wear the same outfit everyday? Is that your uniform?”

Ito naman ay sinagot ni Direk Paul na hindi ito uniform kundi komportable lang ito sa ganito niyang paraan ng pananamit. Idinagdag pa nito na para rin hindi siya mag-aaksaya ng oras para isipin kung ano ang kanyang isusuot.

Sumunod pang tanong ni Toni ay kung bakit palagi rin itong gumagamit ng caps na kung saan sinagot ito ng direktor na hindi naman siya conscious sa kanyang buhok kundi ayaw niya lamang ito ayusin.

Imahe mula sa Instagram account ni Paul Soriano

Ipinakita pa ni Direk Paul ang kanyang buhok sa video na inilarawan ni Toni na makapal naman ang buhok nito.

Bukod pa dito ay marami pang ibang katanungang sinagot ang pribadong direktor sa nasabing viral video na mapapanood sa YouTube.

Sources: YouTube Instagram Instagram Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: