Babaeng tumigil sa pag-inom ng milk tea, nakabili ng round trip plane ticket

  • Isang Malaysian ang naiulat na tumigil uminom ng milk tea at dahil dito ay nakapag-ipon umano ng sapat na pera upang makapunta sa ibang bansa
  • Apat na buwang tumigil sa pag-inom ng milk tea ang babae  na ito
  • Ang naipon niyang pera ay naipambili niya ng round trip ticket papunta sa destination country niyang Taiwan
Imahe mula kay Wewwy Lim via Facebook

Ilang beses kang umiinom ng milk tea kada linggo? Lima? Tatlo? Isa? O baka naman araw-araw? Nasubukan mo na bang kuwentahin kung magkano ang nagagastos mo sa pagbili lamang ng milk tea?

Maaaring ang iba ay itinuturing na luho o pagbibigay ng “reward” sa sarili ang pagbili ng milk tea. Lalo na ngayon at iba’t ibang tindahan  ang nag-aalok ng mga abot-kaya at masasarap na milk tea flavors.

Ngunit naisip mo rin ba kung ano ang kaya mong mabili sa mga perang ginastos mo para lang sa pag-inom ng milk tea? Oo nga at ito ay masarap at nakabubusog, ngunit hindi ba’t mas maganda sa pakiramdam ang makapaglakbay sa ibang bansa o lugar at masaksihan ang mga bagay na hindi mo pa nasisilayan?

Imahe mula kay Wewwy Lim via Facebook

Ito ang pumasok sa isip ng Malaysian at milk tea lover na si Wewwy Lim, kaya niya naisipang tumigil sa pag-inom ng paborito niyang milk tea.

Sa kaniyang Facebook account at sa ulat na rin ng ChinaPress, ibinahagi ng tinaguriang “milk tea expert” na si Lim ang kaniyang naging karanasan noong siya ay tumigil sa pag-inom ng milk tea para sa isang travel goal.

Ayon kay Lim, binilang niya ang kaniyang gastos sa pagbili lamang ng milk tea mula sa unang buwan ng taon hanggang noong Abril. At napag-alaman niyang ang gastos niya sa milk tea ay kaya nang makabili ng plane ticket papunta sa ibang bansa.

Imahe mula Freepik

Kaya naman sa sumunod na apat na buwan ay tumigil si Lim sa pagbili at pag-inom ng milk tea. At dahil dito ay nakapag-ipon siya ng 480 Malaysian Ringgit (PHP 6,000).

Ang perang kaniyang naipon ay sapat na upang makabili siya ng round trip ticket sa target destination country niyang Taiwan. Achieved!

Sources: World of Buzz, Mothership, We the Pvblic


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: