Babaeng piloto, ligtas na naibiyahe ang mga pasahero sa kabila ng malakas na pag ulan

  • Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan habang nasa eroplano mula Iloilo papuntang Davao
  • Sa kasagsagan kasi ng kanilang biyahe ay nagkaroon ng malakas na ulan na naghatid ng turbulence sa eroplano
  • Ngunit maayos at ligtas na naitawid ng babaeng pilotong at ng kaniyang crew ang eroplano at dahil dito ay pinasalamatan at pinalakpakan sila ng mga pasahero

Karaniwang mga lalaki ang naiisip ng ibang tao kapag nababanggit ang mga piloto. Kalimitan kasi sa mga nakikitang piloto ay kalalakihan, at kaunti lamang ang kababaihan na pumapasok sa ganitong propesyon.

Imahe mula Pixabay

Bago maging piloto, kailangan munang dumaan sa masusing training at pag-aaral bago makapagpalipad ng totoong eroplano.

Imahe mula Pixabay

Ang propesyon naman na ito ay bukas para sa lahat; mapababae man, lalaki, o matanda.

Mahirap ang trabaho ng mga piloto dahil nakasalalay sa kanila ang buhay ng mga daan-daang pasahero na sumasakay ng eroplano. Bukod pa dito, mahirap din ang magpalipad ng eroplano dahil mas malaki ito nang ‘di hamak sa kotse, at pahirapan din kapag bumibiyahe habang umuulan dahil mas madilim at makapal ang mga ulap.

Kaya naman sa isang post ng netizen na si Kemberly Pasinag Victorioso, ibinahagi niya ang kanilang karanasan ng mga kapuwa pasahero ng eroplano habang bumibiyahe mula Iloilo papuntang Davao.

Imahe mula Pixabay

Sa kasagsagan kasi ng kanilang biyahe ay nagkaroon ng napakalakas na pagbuhos ng ulan na naghatid ng turbulence sa eroplanong kanilang sinasakyan. Ang turbulence ay ang pag-alog-alog ng eroplano dahil sa lakas at iba-ibang direksyon ng hangin na hatid ng matinding pag-ulan at temperatura sa langit.

All of us were shaking and trembling as we had experience a terrifying flight. Heavy rain and numerous turbulence made us thought that maybe it’s the end of all of us,” ayon kay Victorioso.

Ngunit sa kabila ng malakas na pag-ulan at turbulence, ligtas silang nakarating at nakalapag sa Davao. At laking gulat umano nila nang lumabas ang kanilang piloto na isa palang babae.

Imahe kuha ni Kisay Vii via Kemberly Pasinag Victorioso

We express our deepest gratitude to the pilot, who is in command, to our lady pilot of Cebu Pacific Jacqueline Chua of flight 5J721!”

After ng flight namin, after we had seen who the pilot was, we gave a resounding applause for they saved our lives! Capt. Jacqueline Chua said ‘para sa inyo, of course, safe flight parati,'” ani sa post ni Victorioso.

Nagpasalamat din siya sa mga naging crew ng eroplano na tumulong upang maging ligtas ang kanilang paglipad. “Together with our First Officer, FO VER Joseph Poblete, who is in control, You’re a hero! You saved all of us.”

Ang post na ito ay mayroon na kaagad na 47,000 reactions at mahigit 14,000 shares wala pang isang araw pagkatapos itong i-post sa Facebook.

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!