Babae, ‘di naririnig ang tinig ng kalalakihan dahil sa isang kakaibang kondisyon

  • Dahil sa kakaibang kondisyon,’di naririnig ng isang babae ang boses ng mga lalaki
  • Tinawag lamang bilang Ms. Chen, nagkaroon ang babae ng kakaibang klase ng pr0blema sa pandinig
  • Ayon sa siyensya, ang mga may ganitong kondisyon ay hindi nakaririnig ng low frequency sounds, katulad na lamang ng boses ng mga lalaki

Paano kung isang araw ay magising ka na lang na hindi mo na marinig ang boses ng iyong minamahal? Ganito ang eksaktong nangyari sa isang babae sa Xiamen, China.

Image via Pixabay

Tinawag lamang bilang Ms. Chen, gulat na gulat daw ang babae paggising niya isang umaga dahil hindi niya marinig anuman ang sabihin ng kanyang kasintahan. Agad-agad siyang nagpatingin sa espesyalista at doon ay napag-alaman ng nilapitan niyang ear, nose, and throat (EENT) specialist na mayroon siyang kakaibang kondisyon sa pandinig na kung tawagin ay reverse-slope hearing l0ss.

“She was able to hear me when I spoke to her, but when a young male patient walked in, she couldn’t hear him at all,” sabi ni Dr. Lin Xiaoqing sa mga reporter na nag-interview sa kanya.

[Naririnig niya ako noong kausapin ko siya, pero noong may dumating na batang lalaking pasyente, hindi niya ito marinig kahit na kaunti.]

Ayon sa tala, isa sa bawat 13,000 kataong may problema sa pandinig lamang ang nagkakaroon ng reverse-slope hearing l0ss; na tinatawag din na low-frequency hearing l0ss. Halimbawa ng mga hindi naririnig ng mga may kondisyong katulad nito ay ang tunog ng refrigerator; kaya kung tutuusin daw ay hindi naman gaanong nagiging sagabal sa pang-araw-araw na buhay.

Image via Pixabay

Gayunman, mas malala raw ang kondisyon ni Ms. Chen dahil maging mga tinig ng lalaki at iba pang low-frequency tones ay hindi niya naririnig. Ani Xiaoqing, posibleng stress ang dahilan ng nangyaring ito sa pasyente dahil matagal na raw itong nakararanas ng problemang pisikal dahil sa mahahabang oras ng trabaho at kawalan ng tulog.

Sa kabila nito, naniniwala pa rin naman daw ang doktora na maaari pang gumaling si Ms. Chen dahil hindi pa raw ito nagkaroon ng anumang pr0blema sa pandinig noon.

Sources: Live Science, Oddity Central, Hello Giggles


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!