Asia’s Songbird Regine Velasquez humingi ng paumanhin kaugnay sa kanyang Payatas remarks

  • Humingi ng paumanhin si Regine Velasquez kaugnay sa kanyang diumano’y ‘insensitive comment’ patungkol sa amoy ng Payatas Dumpsite
  • Ang komento ay kanyang nasabi sa kanyang bagong upload na YouTube vide
  • Nagpahayag ang mga netizens ng halu-halong reaksyon sa nasabing video

Kapansin-pansin sa panahon ngayon na hindi lamang makikita ang ating mga paboritong showbiz personalities sa telebisyon at sinehan kundi pati na rin sa mga patok na patok na digital platforms gaya ng Facebook, Twitter, at YouTube.

Image capture mula sa YouTube video ni Regine Velasquez

Kung kaya’t hindi na kataka-taka na pati ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez ay mayroon na ring sariling YouTube channel.

Ang kanyang unang YouTube vlog na kaka-upload lamang noong October 2 ay mabilis na pumatok sa panlasa ng mga netizens. Sa video ay nagbigay ito ng Closet Tour sa kanyang mga viewers at ipinakita ang kanyang Shoe Collection.

Maraming netizens ang natuwa sa kanyang unang video dahil sa natural at nakaka-entertain nitong paraan ng vlog.

Matapos ang isang linggo ay nag-upload muli ito ng panibagong YouTube video na kung saan ay ipinakita naman nito ang kanyang Bag Collection kasama ang anak na si Nate.

Image capture mula sa YouTube video ni Regine Velasquez

Nagbahagi si Regine ng mga istorya sa likod ng kanyang mga koleksyon. At isa na nga ang bag na kung saan ay inilarawan niyang maganda at may intricate na disenyo, subalit nagtataglay ng mabahong amoy na maaaring dahil na rin sa uri ng leather nito.

Ayon dito ay kaamoy ng bag niya ang Payatas nang magpunta ito sa lugar upang gumawa ng documentary.

Ito ay nagbunga ng ilang negatibong reaksyon mula sa mga concerned citizens gaya ni Quezon City Representative Precious Hipolito.

Imahe mula sa Twitter account ni Regine Velasquez

“I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say. Pasensya na po God bless bless po.”

Nakatanggap ang kanyang paghingi ng paumanhin ng halu-halong reaksyon mula sa kanyang mga fans at ilang netizens.

“What a truly humble person you are. Most of the time, we cannot really control other people’s judgment, because they only judge based on their level of perception. I adore you for being so humble & for taking the responsibility for the things you’ve mentioned in your vlog.”

“Ate Reg, I think what you did is very classy – to apologize if you offended anyone in anyway or anything. But, there is really nothing wrong. Facts are facts. And you’re the last person who will mock the poor. You’re very proud of your roots. Humble always is my Songbird.”

Isa namang residente ng Payatas ang tumanggap ng paumanhin nito.

“Apology Accepted with love.”

Imahe mula sa Twitter account ni Wheng Francisco

Sources: Twitter YouTube Manila Bulletin ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: