80s stars Alice at Aga, umaming nagkaroon noon ng ‘mutual admiration’

  • Pagkalipas ng maraming taon ay muling magtatambal sa isang pelikula ang 80s stars na sina Alice Dixson at Aga Muhlach
  • Huling nagkasama ang dalawa sa Sinungaling Mong Puso (1992)
  • Sa media conference ng pelikulang Nuuk, itinanong sa dalawa kung totoo ba ang mga kuwento noong dekada 80 na nagkaligawan silang dalawa

Nostalgic ang muling pagsasama ng dalawang popular 1980s stars na sina Alice Dixson at Aga Muhlach sa upcoming film na “Nuuk”, na ipalalabas na sa Nobyembre 6.

Image via Cha Echaluce

Sa media conference ng pelikula, ikinuwento ng dalawa na masaya sila na muli silang nagkatrabaho at naging mas malapit pa sa isa’t isa habang ginagawa ang pelikula sa Greenland; isang autonomous country sa hilagang bahagi ng Europa, na dahil sa kalayuan ay unang beses pa lamang daw ngayon na ginawang lokasyon ng isang Asian film.

“‘Joey Boy Munti’ (1991). And then, after that ‘yong ‘Sinungaling Mong Puso’, hindi naman ikaw ‘yong ka-love team ko roon,” pag-aalaala ni Alice sa mga pinagsamahan nila noon.

Masaya raw isipin na pagkalipas ng halos tatlong dekada simula noong huling nagkasama sila sa isang proyekto ay nakagawa muli sila ng pelikula. Pagbabahagi ni Alice, talagang nag-bond sila ni Aga sa pagkakataong ito at nagbalik-tanaw pa sa panahon nila.

“Magkaeksena kami pero hindi naman talaga kami nag-uusap. We had our own separate lives. We had our own thing growing up. Now, it’s different. This is like my first time with her. Parang ganoon ang feeling,” sabi ni Aga.

Image via Cha Echaluce

At dahil napag-uusapan na rin ang ‘kahapon’, hindi naiwasan ng dalawa na matanong kung totoo ba ang lumabas na balita noon na nanliligaw si Aga kay Alice.

“Hindi naman ligaw,” paglilinaw ni Aga.

“Mutual admiration,” wika naman ni Alice.

“Parang ganoon,” pagsang-ayon ng aktor. “Nagagandahan ka, parang, ‘Papaano ba ako manliligaw?’ Parang ganoon pero wala naman.”

Kuwento ni Aga, nagkataon din daw kasi na nagkatrabaho sila noong mga panahong “rebelde” siya sa industriya.

“Rebel days ko iyon. ‘Yon ang mga lost days ko noon sa industry that people don’t even remember, or people do not even know. ‘Yon ‘yong mga panahon na kasama ko siya,” aniya.

Sa trailer pa lamang ng “Nuuk” ay talaga namang nakiliti na ang kuryosidad ng mga tao nang may madiskubre ang karakter ni Alice (Elaisa) tungkol kay Aga (Mark):


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: