80-metrong haba ng “Pamana Mural” nilikha kaugnay sa selebrasyon ng Baguio Gong Festival

  • Ipinagdiriwang ngayong Oktubre ang Gong Festival sa Baguio City
  • Kaugnay dito ang paglikha ng “Pamana Mural” sa Naguilian Road
  • Ito ay naglalayong ipakita ang katutubong kultura ng mga naninirahan sa bahaging norte ng bansa

Kilala ang Baguio City bilang Summer Capital ng bansa.

Imahe mula kay Aly Frig

Hindi lamang ito dinarayo ng maraming Filipino kundi isa rin ito sa mga pasyalan na hindi pinalalampas ng mga banyagang turista.

Bukod sa likas na gandang taglay nito at malamig na klima na gustung-gusto ng marami, ang Baguio ay tahanan din ng maraming naggagandahan at naglalakihang mga pista na inaabangan ng mga dumarayo sa lugar.

Tuwing buwan ng Pebrero ay nariyan ang Panagbenga Festival, samantalang sa buwan ng Oktubre ay nariyan naman ang Baguio Gong Festival.

Ang Gong Festival ay ginaganap taun-taon at naglalayong ipagdiwang ang iba’t-ibang katutubong kultura na matatagpuan sa Cordillera region. Ito rin ay nagbibigay ng mensahe na patuloy na bigyang-pagpapahalaga at respeto ang bawat kultura sa Norte.

Ngayong taon, bahagi ng nasabing kapistahan ang pagtatayo ng Pamana Mural na matatagpuan sa Naguilian Road, Baguio City.

Imahe mula sa Facebook account ng Baguio Gong Festival

Ito ay may sukat na 80 metrong haba at taas na 25 talampakan.

Ang mural na ito ay pinagtulung-tulungang gawin ng mga artists sa Baguio City. Maraming tao ang masayang nakilahok sa pagtatayo ng mural na ito na isa sa mga itinuturing na Baguio City attraction.

“Ang ganda very colorful and they look real. Congratulations to the team. I wish I was there too and could have painted one small portion of the mural.”

“Sobrang ganda!!”

“Thanks for upbringing our cultural heritage and the sponsor, Davies Paint.”

Imahe mula sa Instagram account ni Giul Sanchez

Tara nang sumilip sa kanilang Pamana Mural via PTV 4:

Sources: Facebook Facebook Facebook ASEAN HR Org Instagram PhilStar


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: