7 anyos na Filipina, panalo sa isang international aircraft design contest

  • Isang 7-anyos na Filipina ang napili bilang isa sa regional winners ng patimpalak sa paggawa ng future aircraft design
  • Ang patimpalak ay isinagawa ng International Civil Aviation Organization (ICAO) bilang selebrasyon ng kanilang 75th anniversary
  • Ang batang Pinay ay nabigyan ng award sa “Ideas” category ng kompetisyon
Imahe mula Shutterstock

Sa murang edad, ang mga bata ay may malawak na imahinasyon at pagiging malikhain. Ito ay dahil hindi nalilimitahan ang kanilang mga naiisip na ideas ‘di tulad sa mga matatanda na nahahaluan na ng “judgment.”

Kaya naman sa mga paaralan, bata pa lang ay marami nang nakikitaan na potensyal ang mga guro sa mga estudyanteng may natatanging kakayahan at pagkamalikhain.

Samantala, ang ibang bata naman ay sinasanay na habang maaga pa, para pagdating ng panahon ay maging dalubhasa na sila, habang ang iba naman ay isinasali na sa iba’t ibang patimpalak upang ito ay kanila nang makasanayan.

Noon pa man, marami nang mga bata ang nakaaabot ng tagumpay sa iba’t ibang larangan kahit sa mura nilang isipan.

Nararapat lamang na bigyang atensyon at papuri ang mga bata – hindi lamang sa tuwing sila ay may napagtatagumpayan kundi sa araw-araw nilang gawain upang mabigyan sila ng inspirayon na lalo pang pagbutihin.

Imahe mula Shutterstock

Ngunit para sa batang si Helene Margaret Bariso Elias, hindi lang kaniyang mga magulang, kamag-anak, guro, kamag-aral, o kaibigan ang maaaring pumuri sa kaniya dahil sa kaniyang napagtagumpayan, kundi ang buong Pilipinas.

Ang pitong anyos kasi na si Helene ang isa sa mga napiling regional winners sa isang kompetisyon sa paggawa ng future aircraft design.

Ang kompetisyon na ito ay pinamunuan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) para sa selebrasyon ng kanilang 75th anibersaryo. Upang kumatawan sa Asia-Pacific region, nabigyan ang mula sa Pilipinas na si Helene ng karangalan sa “Ideas” category ng patimpalak.

Sinamahan ng kaniyang mga magulang si Helene upang tanggapin ang award mula sa secretary general ng ICAO na si Fang Liu at ICAO Council president na si Olumuyiwa Benard Aliu.

Helene Margaret Bariso Elias (front row in blue dress) joins the ICAO competition on design of future aircraft (Photo courtesy of Philippine Embassy in Canada)

Ang awarding ceremony ay ginanap sa Montreal sa Canada sa katatapos lang na ICAO Innovation Fair.

Upang sabihan si Helene tungkol sa kaniyang award, pinadalahan siya ng sulat ni Philippine ambassador to Canada Petronila Garcia bago pa man ang public announcement ng ICAO.

Pinasalamatan ni Garcia si Helene sa tagumpay na ibinigay nito sa Pilipinas kahit sa murang edad niya.

Sources: PhilStar, Manila Bulletin, MSN


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!