[Video] Mabait na driver namataan sa Quezon City matapos masagi ang kanyang kotse

  • Isang driver ng kotse sa Quezon City ang nagpakita ng kabaitan sa nakasaging motor sa kanya
  • Sa halip na magalit ay tinanong pa nito kung nasaktan ba ang driver ng motor
  • Umani ang pangyayari ng positibong sentimyento sa social media na may halos 2M views

Laman ng balita sa telebisyon, radyo at social media ang matinding problema sa trapiko na kinakaharap natin ngayon dito sa bansa lalo na at paparating ang buwan ng Disyembre.

Imahe mula sa Instagram account ni @mycherylamore

Dahil dito hindi maiiwasan ang init ng ulo hindi lamang ng mga commuters kundi pati na ng mga motorista na walang choice kundi ang ma-stuck sa ilang oras na traffic.

Maliban dito, ang isa pang karaniwang nakaiinit ng ulo sa mga driver ay ang masangkot sa aksidente sa kalsada.

Bukod sa perwisyo sa oras na gugugulin mo sa nangyari ay nariyan ang posibleng gastos sa pampagawa ng iyong motor o sasakyan.

Subalit iba ang ipinakita ng isang driver ng pulang kotse sa aksidenteng naganap sa kanya sa Aurora Underpass sa Quezon City.

Iclick ang Imahe para mapanood ang video mula sa Facebook post ni Jessica Sohot

Makikita sa Facebook video na in-upload ng netizen na si Jessica Sohot ang pagbaba ng driver na ito at paglapit sa may-ari ng motor na nakasagi sa likod ng kanyang sasakyan.

Imbes na magalit na karaniwan nating nakikita ay hindi inaasahang tinanong nito ang kapwa driver kung ayos lang ba ito.

Sa bandang huli ay nakipagkamay pa ito at saka umalis.

Screenshot mula sa Facebook video ni Jessica Sohot

Ang video na ito ay mayroong 2M views sa Facebook, at mayroong humigit kumulang na 28K shares.

Umani ito ng mga positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens, habang ang iba naman ay nag-share din ng kanilang mga katulad na experiences sa kalsada.

“This man should be a lesson to others who get so violent over something like this. Is always better to be nice and understanding after all, this is only a THING. And just talk it out. May God bless us all”

“Naalala ko nung naatrasan ng revo yung kotse ko. Pag baba nung nakabangga matanda. Ayun, nagkangitian na lang kami. Finish na. Hahaha”

“Ang totoo nyan madami pa rin talaga mabait dito sa atin, di lang navi video. mas inuuna natin kasi ma video yung mga masasamang pangyayari eh.”

Sources: Facebook Instagram

 


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: