Tips upang maiwasan ang pagkakaroon ng pimples — Dr. Vicki Belo

  • Ang pagkakaroon ng pimples ang isa sa mga karaniwang skin problems na kinakaharap ng karamihan kahit na ano pa ang edad
  • Nagbigay ng tips si Dr. Vicki Belo kaugnay sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng pimples
  • Ibinahagi din ni Dr. Belo ang kanyang opinyon sa paggamit ng mga Pinay sa beauty products ng South Korea

Naranasan n’yo na ba ang pagkakataon na kung kailan kailangan mong ilabas ang iyong pinakamagandang sarili ay doon naman nagsipaglabasan ang pinakakinatatakutan mong mga pimples?

Imahe mula sa Freepik

At paano pa kung hindi lang isang pimple, kundi dalawa o tatlo— worst, mayroon kang tinatawag na “breakout”?

Ito ang isa sa mga matatawag na tila bangungot hindi lamang ng mga kababaihan kundi pati na rin ng mga kalalakihan.

Sa mga ganitong pagkakataon, madalas nating naiisip na minamalas lamang tayo.

Subalit ayon sa artikulo na inilathala ng Pep.PH, ang pagkakaroon ng tropical climate dito sa Pilipinas ang isa sa mga dahilan kung bakit madaling magkaroon ng pimples o tigyawat ang mga Pinoy.

At dahil sa karaniwang problema na natin ito, hindi natatapos ang paghahanap natin ng solusyon kung paano tuluyang makakamit ang pimple-free na mukha o maiwasan man lamang ito.

Imahe mula sa Freepik

Kaya naman patok na patok sa ating mga Pinoy ang mga beauty products na ginagamit ng ating mga paboritong Korean superstars.

Ngunit sa pahayag ni Dr. Vicki Belo sa kagaganap lamang na Cosmopolitan BeautyCon ngayong taon, magkaiba ang ating klima kumpara sa Korea, kung kaya’t iba rin ang ating balat sa kanila.

Dahil dito hindi pa niya umano masasabi kung mahihiyang ba tayo sa mga produktong galing sa South Korea para sa pangangalaga ng ating balat.

Sa halip ay nagbahagi siya ng ilang mga tips na maaaring gawin ng karamihan sa pag-iwas sa pagkakaroon ng mga pimples.

Imahe mula sa Instagram account ni Dra. Vicki Belo

Ang ilan sa mga ito ay ang wastong pagtatanggal ng makeup kung saan hindi dapat makalimutan ang baba at mga tainga.

Kasama na rin dito ang pag-iwas sa paghahawak sa mukha lalo na sa mga pimples, pati na ang pag-iwas ng pagdapo ng buhok sapagkat nalilipat ang mga dumi at bacteria sa ating mga mukha.

Isa pa sa mga binigay niyang tips ay hindi naman kailangan na bumili ng mamahaling makeup. Aniya, importante ang mahanap ang tamang produkto na hiyang sa balat.

Sources: Pep.PH Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: