Sen. Manny Pacquiao nag-enroll sa kursong PolSci sa University of Makati

  • Si Senator Manny Pacquiao ay kasalukuyang naka-enroll bilang Political Science student sa University of Makati
  • Ipinost nito sa kanyang mga social media accounts ang kanyang ID sa UMak
  • Bumuhos ang paghanga at mga positibong komento mula sa mga netizens

Ang hindi matatawarang galing ni Manny “Pacman” Pacquiao sa larangan ng boksing ang naghatid sa kanya ng mataas na karangalan, at hindi lamang para sa kanya bilang isang indibidwal na manlalaro kundi pati na rin sa ngalan ng ating bansa.

Imahe mula sa Instagram account ni Senator Manny Pacquiao

Hindi makalilimutan ang mga kapanapanabik niyang mga laban lalo na nang siya ay nagsisimula pa lamang na makilala sa international boxing hanggang sa makatunggali ang mga kilalang pangalan sa larangang ito.

At kasunod ng kasikatang ito ni Manny, kaliwa’t kanan din ang bumuhos sa kanya na product endorsements, mga palabas sa telebisyon at pelikula at music recordings. Nang maglaon ay sumabak na rin ito sa pulitika.

Matapos manalo ng dalawang termino bilang Sarangani congressman, ngayon ay nagsisilbi naman ito ng kanyang unang termino bilang senador.

Imahe mula sa Instagram account ni Senator Manny Pacquiao

Ngunit sa kabila ng kanyang magandang layunin, patuloy pa rin ang bilang ng mga taong bumabatikos sa kanya.

Kaya naman kamangha-mangha na patuloy ito sa pagpapatunay sa kanyang sarili at sa mga Pinoy na siya ay karapat-dapat sa kanyang kinauupuang puwesto sa senado.

Kung kaya naman napakarami ang nagulat nang kanyang i-post sa social media ang kanyang identification card o ID sa University of Makati (UMak) bilang isang AB Political Science student.

Imahe mula sa Instagram account ni Senator Manny Pacquiao

Ito ay nakapost sa kanyang mga social media accounts sa Facebook, Instagram, at Twitter na may caption na “Never stop learning because life never stops teaching.”

Ito ay umani ng napakaraming papuri mula sa mga netizens, hindi lamang sa Pilipinas kundi mula sa kanyang mga fans sa buong mundo.

Kasabay ng pag-post ni Manny sa kanyang ID ay nag-post pa ito ng Instagram story ng larawan kasama ang mga estudyante sa UMak.

Imahe mula sa Instagram account ni Senator Manny Pacquiao

Ang ilan sa mga komento mula sa mga netizens ay:

“Congratulations on your educational journey knowledge is power!”

“You are such an inspiration to many sir! God bless and don’t change kung ano ka, always keep your feet on the ground po.”

“Imagine having class and Manny Pacquio walks in!”

Sources: Facebook Instagram Twitter Instagram Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!