Regine sa concert kasama si Sharon: Excited ako bilang isang Sharonian

  • Sobrang sabik na raw ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa concert niya kasama ang Megastar
  • Ani Regine, excited siya sa two-night concert nila ni Sharon Cuneta dahil siya mismo ay isang Sharonian
  • Ayon pa kay Regine, masuwerte siya dahil hindi palaging nakikipag-back-to-back si Sharon

Labis daw na nananabik si Asia’s Songbird Regine sa papalapit na two-night concert niya kasama ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Image via Sharon Cuneta | Instagram

Sa isang panayam sa ABS-CBN, sinabi ni Regine na excited na siya bilang isang Sharonian, at nananabik na rin siya para sa lahat ng manonood dahil tiyak na magiging memorable ito para sa kanilang lahat.

“Excited ako bilang alam ninyo naman na Sharonian ako. I’m also excited for the repertoire na inihanda namin for everyone. Maraming kaabang-abang kasi…maraming first time na gagawin namin ni Mega,” wika ng singer-actress at OPM legend na si Regine.

Maging ang kanyang mga fan ay excited na rin para sa Asia’s Songbird sa concert na gaganapin sa October 18-19 sa Araneta Coliseum. Ayon sa ilang komento ng netizens:

“Excited na kami, Ate Reg! Sigurado akong mas excited pa si Ate Reg kasi makakasama n’ya idol n’ya,” saad ng Instagram user na si @jeanzeelhernandez.

“Can’t wait to see you with Mega!” wika ni @kurlah_ruthie.

Dagdag pa ni Regine, mapalad siya na makasama sa isang concert si Sharon dahil hindi naman ito palaging nakikipag-back-to-back sa isang concert. “Hindi siya lagi nakikipag-back-to-back so it’s such a privilege for me to be doing this with her,” aniya.

Image via Regine Velasquez |Instagram

Samantala, bahagi ng paghahanda ni Regine sa “Iconic” concert  ang pagbabawas nito ng timbang.

“Alam mo, tuwing magko-concert, I really need to be fit. Siyempre kasi mahirap mag-concert. Kaya lang, unfortunately, kapag nagko-concert ako dati — kasi wala pa akong ASAP, hindi pa ako kumakanta, once a year lang ako kumakanta para mag-concert — nahihirapan ‘yong boses ko. So after, lagi akong tumataba kasi nag-steroids ako,” paliwanag niya.

Sources: ABS-CBN, Kicker Daily NewsInstagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: