“Pinakasabaw reasons” kung bakit tumitigil ang isang tao na makipag-date, ayon sa mga netizens

  • Trending sa Twitter ang tanong na “Ano ang mga pinakasabaw na dahilan kung bakit tumitigil ang isang tao na makipag-date?”
  • Maraming netizens ang naka-relate at nagbahagi ng kani-kanilang mga karanasan
  • Ang mga komento ay naghalong nakakatawang kaganapan, epic fail moments, at ang iba ay hindi kapani-paniwalang mga karanasan

“Try and try until you succeed”. Ito ang karaniwang inspirasyon nating mga taong patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay upang makamit ang minimithing mga pangarap.

Imahe mula sa Unsplash

Ngunit sa larangan ng pag-ibig, may pagkakataon bang nai-apply mo ito sa paghahanap ng iyong “the one”?

Sabi nga nila, ang bawat isa sa atin ay may nakatakdang kapalaran sa pag-ibig.

Nariyan ang ating mga kaibigan o kamag-anak na maagang nakikilala ang kanilang makakatuluyan sa buhay. Mayroon din namang ‘yung bigla na lang may spark, at masasabing silang dalawa na ang magsasama sa hirap man o ginhawa.

Samantala, mayroon din namang pinipili na lubusin ang pagkakataon upang makilala ang taong kanilang mapupusuan.

At sa kaalaman nating lahat, ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-date.

Imahe mula sa Unsplash

Sa puntong ito ng isang umuusbong na relasyon ng dalawang tao ay masasabing ito ang isa sa mga kritikal na panahon.

Isang tama o isang maling galaw lamang ay maaaring magpabago ng takbo ng iyong relationship status. Kung kaya naman umani ng maraming komento mula sa mga netizens ang isang relatable post ng user na si Ethel (@econcepcion) sa Twitter.

Ang nasabing post ay naglalaman ng tanong na “I want to know your pinakasabaw reasons for deciding to stop dating a guy/girl cos I want to see different levels of petty. No judgement. Swear.”

Inumpisahan nito ang pagbibigay ng halimbawa at sinaad na itinigil nitong makipag-date sa isang lalake dahil ang supposed to be spelling ng “rooting” ay naging “routing” sa text nito sa kanya.

Imahe mula sa Twitter account ni Ethel

Kasunod ng tweet na ito ay ang maraming netizens na nag-share rin ng kanilang mga dahilan at personal experiences kung bakit nila piniling tumigil na sa pakikipagkita sa kanilang mga dini-date.

Ang ilan sa mga ito ay naka-focus sa dahilan ng malayong tinitirahan, physical appearances, magkaibang paniniwala, at ang iba ay maaaring mababaw na rason ngunit sadyang nakakatawang kaganapan.

“Taga Marikina sya, South ako. Sabi nya “next time date tayo sa may Ortigas area”. Naka lowered kasi Honda nya, eh puro humps sa village namin lol”

“Kumuha siya ng sukli sa offertory basket”

“Another guy na witty naman siya kasi sobrang daldal. Like di ba ko pwede magsalita? Dami mong alam.”

“Hahaha, I met a dude on Tinder. Super nice, really good connection. Spoke for weeks. When we met up, it turned out he didn’t have his two front teeth.”

“He talks about himself too much. Tapos nung pasakay na kami ng jeep, nauna s’yang sumampa hahahaha”

“Super yabang niya hahaha like gagawa at gagawa siya ng para mainsert na doctor mga magulang niya, sa europe siya mag aaral, at may bago silang kotse lol”

Naka-relate din ba kayo sa mga ito? O may iba pa kayong karanasan?

Source: Twitter


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!