Pangulong Digong dumalo sa Oath of Office ng mga anak sa Davao

  • Isinagawa ang “Oath of Office” ng mga nanalong opisyal sa Davao City
  • Dumalo ang Pangulong Duterte upang suportahan ang kanyang mga anak na lahat ay nanalo sa nakaraang eleksyon
  • Ito ang unang mahahawakang posisyon ni Sebastian “Baste” Duterte sa pulitika

Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta sa kanyang mga anak nang dumalo ito sa kanilang Oath of Office na ginanap sa Sangguniang Panlungsod session hall ng Davao City noong Biyernes. Ang panganay na anak ng Pangulo na si Paolo “Pulong” Duterte ay nanalong Congressman sa First District ng Davao. Si Sara Duterte-Carpio naman ay na re-elect bilang Mayor ng lungsod, kasama nito si Baste na Vice Mayor. Si Baste ay walang kalaban sa tinakbuhang posisyon. Samantalang ang kanyang mga nakatatandang kapatid ay nagkamit ng “landslide victory”.

Imahe mula sa Facebook account ng City Government of Davao

Naunang nanumpa sina Paolo at Sara Duterte umaga ng Biyernes. Sumunod naman si Baste nang hapong iyon kung saan personal itong sinaksihan ng Pangulo. Imahe mula sa Facebook account ng City Government of Davao Kasama din ni Baste ang kanyang pamilya, mga kapatid at ang inang si Elizabeth Zimmerman. Ayon sa lathala ng UNTV, ipinahayag ng magkakaptid ang kanilang lubos na pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanila, at nangakong isusulong ang patuloy na pag-unlad ng Davao.

Naglalayon si Sara Duterte na ipagpatuloy ang mga nasimulang programa matapos makitaan ng paglago sa ekonomiya ang Davao sa nakaraang tatlong taon. Samantalang ang kapatid namang nanalo sa pagka-kongresista ay inilahad ang paggawa ng mga batas na nakatuon sa pagbibigay ng hanap-buhay, edukasyon, at iba pang oportunidad para sa mga mamamayan.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!