Moira Dela Torre ‘di sinasadyang nayakap noon ang DLSU Team Captain na si Andrei Caracut

  • Ibinahagi ni Moira Dela Torre ang hindi sinasadyang pagyakap nito noon sa Team Captain ng DLSU Basketball Team na si Andrei Caracut
  • Napagkamalan umano niya ito na si Jason Marvin na kanyang asawa na ngayon
  • Sumagot din si Andrei sa Twitter post ni Moira, at sinabing nahiya din ito nang mangyari iyon

Isa si Moira Dela Torre sa mga sikat na singer at songwriter sa panahon ngayon.

Imahe mula sa Instagram account ni Jason Marvin

Ang ilan sa mga pinasikat nitong mga kanta kung saan siya mas lalong nakilala ay ang: “Titibo-Tibo”, “Tagpuan”, at “Malaya”.

Si Moira din ang isa sa mga judges ng katatapos lamang na talent search na Idol Philippines kasama sina James Reid, Vice Ganda, at ang Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez.

At sa pagpapatuloy na pag-angat ng karera ni Moira sa larangan ng pagkanta ay naging matagumpay din ang ikalawa nitong major concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong Setyembre 13.

Dahil dito, hindi na bago sa atin ang makita si Moira na laman ng balita; sa telebisyon man o sa digital world.

Imahe mula sa Twitter account ni Moira Dela Torre

Ngayon ay usap-usapan naman ang singer dahil sa Twitter post niya na kung saan ay shinare nito ang hindi sinasadyang pagkakayakap niya sa Team Captain ng DLSU Men’s Basketball Team na si Andrei Caracut.

“OMG ito yung nayakap ko sa buffet akala ko si jason, pagtingin ko sa kaliwa ko, andun si jason tawang-tawa sa gilid… pagtingin ko ibang tao gulong-gulo din siya tas basketball player pala”

Nakatanggap naman ang post na ito ni Moira ng retweet  mula kay Andrei, at sinabing namula ito sa hiya nang mangyari iyon.

Imahe mula sa Twitter account ni Andrei Caracut

Maraming netizens ang natawa sa experience na ito ni Moira, habang ang iba naman ay sume-segway at nagkokomento ng kanilang paghanga sa basketball player.

Sources: Twitter Twitter Instagram Instagram Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: