Ina ng UPLB student, naiyak nang malamang ga-graduate na ang anak matapos ang pitong taon

  • Ang inaasahang masayang “graduation reveal” ay nauwi sa emosyonal na tagpo sa pagitan ng ina at anak
  • Sa trending video sa Twitter ay hindi napigilan ng ina ang maiyak nang malamang ga-graduate na ang anak sa UPLB
  • Kaugnay nito ay maraming netizens ang nagbigay-pugay sa pagsisikap ng mga ilaw ng tahanan

Para sa mga estudyante, ang oras ng kanilang pagtatapos sa ekwelahan ang pinakaminimithing pangarap na nais maabot.

Imahe mula sa Freepik

Kaugnay nito ay hindi natin maaaring malimutan na bukod sa ating mga estudyante ay nariyan ang ating mga magulang at pamilya na siya ring umaasam-asam na dumating ang araw na tayo ay nakasuot ng toga, at may hawak-hawak na diploma.

Kung minsan pa nga ay kahit na balita pa lamang na ating ihahatid sa mga magulang na isa tayo sa mga magsisipagtapos sa darating na graduation ay labis na ang kanilang galak sa dibdib.

Ang in-upload na video ni Jerue Neuwell Marmol sa Twitter ay isang patunay na ang mga magulang ang pinakamasayang nilalang sa mundo kung makatatanggap sila ng ganitong balita.

Ang tagpong ito na naganap sa isang fastfood chain ay isang “graduation reveal” ni Jerue Neuwell na nakatakdang magtapos sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) matapos ang pitong taon.

Screenshot mula sa Twitter video ni @jrnwll

Makikita sa video na sinurpresa niya ang ina – kasama ang kapatid na kumukuha ng video – sa pamamagitan ng pagbalot ng UP sablay sa brown paper bag.

Sa una ay inakala ng ina na ito ay isang bag. Ngunit nang maglaon at napagtanto na ito ay ang prestihiyosong sablay, ito ay tahimik na naging emosyonal at napaluha.

Hindi rin napigilan ni Jerue Neuwell ang maiyak sa sandaling ito habang pinapatahan ang ina.

Maraming netizens ang naantig sa pangyayaring ito na kung saan umani hindi lamang ng positibong komento para sa pamilyang ito kundi sa lahat ng mga ina na nagsusumikap na makamit ng anak ang kanilang tagumpay sa buhay.

Bukod sa mga netizens ay ibinahagi rin ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang nasabing video at sinabing, “My favorite video for today and maybe all the days, of a mother receiving her son’s UP sablay. cheers to all our mothers! mabuhay kayo nanay!”

Imahe mula sa Twitter account ni Commissioner Rowena V. Guanzon

Sa nasabing post ay pinasalamatan din ni Jerue Neuwell ang mga tao na naging parte ng kanyang buhay sa UPLB na tumulong din umano sa kanya upang makamit ang pangarap.

Ang ilan sa mga komento na makikita sa Twitter ay:

“Maligayang bati! Ramdam ang galak ni Nanay!”

“Napakasarap ng may magulang pa.. sana buhay pa ang nanay ko para maramdaman ko ulit ang ganito… you are very lucky to have a mother like her… naiyak din ako….”

Sources: Twitter Twitter Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!