Filipino food-inspired keychains, patok sa mga bumibisita sa Lakbay Museo

  • Unti-unti nang nakikilala ngayon ang kamangha-manghang interactive millennial museum na Lakbay Museo
  • Isa sa mga dinarayo ng mga bumibisita dito ay ang mga “Tatak Pinoy Keychains” na ibinebenta sa kanilang souvenir shop
  • Ang mga “cute souvenirs” na ito ay kadalasang naso-sold out

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 islands na kung saan ay kailangan mong maglakbay sa lupa, tubig, at himpapawid kung ninanais mong makita ang ganda sa bawat sulok ng bansa.

Imahe mula sa Instagram account ni RiRi Ariaga

Subalit para sa isang ordinaryong mamamayan, ito ay maaaring imposibleng mangyari o mahirap maisagawa.

Kung kaya naman ang pagbubukas ng Lakbay Museo nito lamang buwan ng Hulyo ngayong taon ay isang napakagandang oportunidad para sa lahat lalo na sa mga batang estudyante upang kanilang maranasan ang ganda ng Pilipinas na hindi na kailangang bumiyahe pa.

Ayon sa official Facebook page ng Lakbay Museo, ito ang kauna-unahang millennial museum sa Pilipinas kung saan ay maaaring makita ang lahat ng kamangha-manghang bagay patungkol sa ating bansa.

At higit sa lahat ay maiikot mo na ang Motherland sa pamamagitan lamang ng isang libong hakbang.

Imahe mula sa Facebook Page ng Lakbay Museo

Bukod sa makahulugang layunin ng lugar na ito,at ang kanyang Instagram-worthy na ganda, isa rin sa mga dinarayo ng mga bumibisita ay ang mga handmade Filipino-food inspired keychains na ibinebenta sa kanilang souvenir shop.

Ang mga ito ay likha ng mga Pinoy artists at tinatawag na “Tatak Pinoy Keychains” sa halagang P149 lamang.

Patok sa mga mamimili ang pagkakadisenyo ng mga pagkaing Pinoy gaya ng mga kilalang street foods na bituka at paa ng manok, kwek-kwek at banana cue; mga popular na kinakain ng mga Pinoy gaya ng lechon, chicharon, tuyo, daing at iba pa.

Imahe mula sa Facebook Page ng Lakbay Museo

Marami sa mga netizens na nakabisita na ang nagpo-post ng mga nasabing “cute souvenirs” sa kanilang mga social media accounts.

Umani ng positibong reaksyon ang mga handmade souvenirs na ito, at nagpakita ng interes ang mga netizens na bisitahin ang patok na bagong museo.

Sources: Facebook Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: