Video: Asong tumatangging ibenta siya ng amo, kinaaliwan

  • Nag-viral ang video ng aso na yumakap sa kanyang among babae matapos itong takuting ibebenta siya
  • Sa video makikita na pinagsasabihan ng babae ang kanyang aso dahil sa mga ginagawa nitong hindi maganda
  • Marami ang natuwang netizens sa ipinamalas ng aso na mistulang naiintindihan nito ang mga sinasabi sa kanya

“If you’re lucky, a dog will come into your life, steal your heart, and change everything.”

Imahe mula sa Instagram account ni HelloThinkerbell

Ang kasabihang ito na hango sa pagmamahal sa mga alagang aso ay napatunayan sa isang video na trending sa social media dahil sa ipinakitang adorable reaction ng isang aso sa Zambales habang pinagagalitan.

Makikita sa video na in-upload sa Facebook ni Rex Remitio kung paano pinagsasabihan ng among babae na si Theresa Cayabyab ang kanyang puting aso na nagngangalang Matikas.

Sa umpisa ng video ay sinabihan ni Theresa ang alaga na ibebenta na niya ito. Sumagot naman ang aso sa pamamagitan ng matinding pag-iling na para bang naiintindihan nito ang sinasabi sa kanya.

Kasunod nito ay inisa-isa ni Theresa ang mga dahilan kung bakit niya ibebenta ang alaga gaya ng pagsira nito sa kanyang salamin at earphones, at ang mga kalat kalat nitong buhok sa kanyang tuwalya at mga damit.

Screenshot mula sa Facebook video ni Rex Remitio

Matapos ito ay binawi rin naman ng amo ang kanyang mga sinabi, at inutusan ang aso na yakapin na siya nito.

Ginamit ni Theresa ang salitang “lablab” bilang hudyat na yakapin siya nito.

Maraming netizens ang labis na natuwa at humanga sa moment na ito kung saan para bang naiintindihan ng aso ang mga sinasabi sa kanya ng kanyang amo.

I-click ang imahe upang mapanood ang Facebook video ni Rex Remitio

Ito ang ilan sa mga komento mula sa mga netizens:

“Hahah bait ng amo mo swerti mo ahhh”

“That’s why I love dogs.. They are our family…”

Bukod sa ipinakitang reaksyon ng aso ay hindi rin nakaligtas sa mata ng mga netizens ang “kilay on fleek” nito.

“Kaya yan nagwawala kasi hindi pantay pagkakalagay ng kilay…ano ba? ahaha”

“Lablab ang kilay uy. Hahaha”

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: