Tita-in-Training: Angelica Panganiban ibinahagi na binabawasan na ang pag-inom ng alak

  • Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang pagkakaroon ng pagbabago sa kanyang lifestyle habang nagkakaedad
  • Isa na rito ang pagbabawas ng pag-inom ng alak
  • Kaugnay nito ay ang bagong bansag sa kanya na “tita-in-training” kung saan isa siya sa cast ng bagong iWant digital series

Isa si Angelica Panganiban sa mga aktres dito sa ating bansa na masasabing successful sa industriya ng show business mula pa noong pagkabata.

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Bukod sa pag-arte sa telebisyon at sa big screen kung saan siya nakilala mula noong bata pa lamang, ang kanyang angking talento sa paggawa ng comedy scenes ang isa sa mga hinahangaan ng maraming fans sa kanya.

Samantala, ang pagpapakatotoo nito sa sarili, at pagpapakita ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng mga isyu na minsan ay kinakaharap nito ang isa rin sa mga dahilan kung bakit maituturing na isa siya sa mga maiimpluwensyang kababaihan sa Pilipinas.

At sa bagong proyekto na kinabibilangan ni Angelica na pinamagatang “Call Me Tita”, ang aktres ay tinaguriang “tita-in-training”.

Sa press conference ng bagong iWant digital series na ito ay ibinahagi ng aktres ang pagkakaroon ng pagbabago sa kanyang mga nakasanayang lifestyle dahil na rin sa nagkakaedad na ito.

Imahe mula sa YouTube video ng Orange Magazine TV

Ayon kay Angelica, isa ang pag-inom ng alak sa mga nakasanayang gawain na kanya nang binabawasan ngayon dahil sa nahihirapan na umano siyang maka-recover sa hangover.

Sinabi pa nito na sinubukan niya na paunti-unting gawin pa rin ang pastime na ito, subalit habang tumatagal ay tuwing weekends na lamang.

Ito ay sinegundahan ng direktor ng nasabing proyekto na isa rin sa mga matalik na kaibigan ni Angelica na si Direk Andoy Ranay.

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Ayon dito ay mayroon nang mga pagkakataon na tinatanggihan siya ni Angelica kapag niyayaya niya ito na lumabas at uminom.

Sources: Instagram Pep.PH Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: