Teacher, naging emosyonal matapos regaluhan ng kanyang mga estudyante ng bagong sapatos

  • Naging emosyonal ang isang teacher mula sa Laguna nang regaluhan siya ng kanyang mga estudyante ng bagong sapatos para sa kanyang kaarawan
  • Ayon sa Facebook post, nag-ambagan ang mga estudyante upang maibili ng bagong sapatos ang teacher
  • Naging viral at umani naman ng papuri ang post dahil sa hindi maitatangging act of love ng mga bata

Ang ating mga teacher ang nagsisilbi sa atin bilang pangalawang mga magulang. Hindi maitatanggi na sila ay parte ng kung ano tayo bilang indibidwal sa ating paglaki.

Hindi rin maikakaila na madalas ay mas close pa tayo sa kanila gawa na rin ng mas matagal natin silang nakakasama sa loob ng paaralan. Kaya naman, marami silang nalalaman tungkol sa atin, at tayo rin sa kanila.

Sa isang Facebook post, isang teacher ang naging emosyonal nang surpresahin siya ng kanyang mga estudyante sa kanyang kaarawan at regaluhan ng bagong sapatos.

Image via Michelle Legaspi | Facebook

Sa post ni Michelle Legaspi mula San Pedro, Laguna, sinabi nito na naiyak at natuwa siya sa ginawa ng mga estudyante.

Ayon sa post, ang teacher ay si Sir Cezar Punzalan, isang guro mula sa Immaculate Heart of Mary School sa San Pedro, Laguna. Ayon pa dito, nag-ambagan ang klase ng Grade 12- Philemon upang maibili ng bagong sapatos si Punzalan.

Ito ay matapos mapansin ng mga estudyante na sira-sira na at manipis ang suwelas ng sapatos na ginagamit ni Punzalan papasok ng eskwelahan.

Ibinahagi din ni Legaspi na si Punzalan ay naglalakad ng isang oras araw-araw mula sa kanyang tirahan papunta sa institusyon upang makatipid dahil ang anak nito ay may karamdaman.

Image via Michelle Legaspi | Facebook

“Naiyak ako eh. Teacher ni bunso sa Immac po nag ambag ambag sila kasi medyo naawa kay sir, Sira na yata ang sapatos at may sakit ang anak. Naglalakad lang si sir galing sor magsaysay po pala. One hour makapasok lang sa school nila at makapagturo,” ani ni Legaspi.

Sa video, makikita na naglalakad papasok ng classroom si Punzalan nang abutan siya ng isa sa kanyang mga estudyante ng isang brown box.

Nang kanya itong buksan at makita ang bagong pares ng sapatos ay hindi na napigilan ni Punzalan ang maluha.

Iclick ang imahe para sa video via Michelle Legaspi | Facebook

Ayon naman sa kanyang mga estudyante, ito ay maliit na bagay lamang kumpara sa kaalaman naibabahagi niya sa loob ng classroom.

Tunay na nakakabagbag-damdamin at nakaaaliw!

Nag-viral ang naturang video na ngayon ay may 43k likes at mahigit 26k shares na.

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!