Tandaan: Unahin ang sarili bago ang mga kapamilya na nanghihiram ng pera

  • Isang kolumnista ang nagbigay ng mga tips ukol sa mga paraan na makatutulong sa tamang pag-manage ng suweldo
  • Tinalakay nito ang kahalagahan ng pagtulong muna sa sarili bago ang pagbibigay ng tulong sa iba
  • Ang tamang paghawak sa pera ang karaniwang struggle ng mga “young adults” o ng mga nagsisimula pa lamang na magtrabaho

Isa sa mga hindi natin malilimutan na kaganapan noong tayo ay nasa edad na early 20s ay ang matanggap ang una nating suweldo o “paycheck”.

Imahe mula sa Unsplash

Hindi matatawaran ang pakiramdaman matapos mahawakan ang kauna-unahang bunga ng ating pinaghirapan. Subalit kaakibat nito ay ang katotohanang hindi lahat ay responsable sa paghawak ng pera.

Ayon kay Trisha Sanchez na unang nagtrabaho sa isang digital agency, sa una ay nahirapan ito na mag-budget dahil kahit na nasa bracket pa lamang ng “entry level” ang kanyang suweldo ay mayroon na siyang responsibilidad na tumulong sa mga gastusin sa bahay.

Bukod dito ay mayroon ding pagkakataon na hinihingian siya ng mga nakababatang kapatid o inuutangan ng mga kamag-anak.

Dahil dito, dumadating ang mga pagkakataon na nasho-short ang personal budget nito bago pa ulit dumating ang susunod na suweldo.

Imahe mula sa Freepik

Ang mga ganitong kuwento ay hindi na bago sa atin, at siguradong marami ang nakaka-relate.

Subalit sa isang artikulo ng kolumnistang si Aneth Ng-Lim sa ABS-CBN News, ibinahagi nito na kailangan muna nating tulungan ang sarili bago ang tumulong sa iba.

Kaugnay nito ay ang mga tips na kanya ring ibinahagi na maaaring gawin ng mga nagsisikap sa pag-budget ng kanilang kinikita. Worth na pag-isipan ang mga bagay na ito.

Imahe mula sa Freepik

Ipinaliwanag niya na kailangan na unahing magtabi ng budget para sa personal expenses bago mag-abot ng share sa gastusin sa bahay.

Importante rin umanong matutunan ang pagtanggi nang maayos sa mga humihingi ng tulong o pabor kung hindi talaga kayang isama sa kasalukuyang budget.

Ang mga ganitong pagkakataon ay karaniwang nangyayari sa pagitan ng mga magkakamag-anak.

Base sa mga personal na karanasan ng mga taong matagal nang nagtatrabaho, ang mga ganitong pangyayari ay normal lamang, at walang masama sa pagbibigay ng tulong lalo na sa kapamilya. Ngunit lagi rin nating iisipin na mas nakabubuti na ang maging “honest” kaysa mahirapan ang sarili sa bandang huli.

Maaari din naman na tumulong sa ibang paraan bukod sa pinansyal na tulong. Kailangan lang natin na palawakin pa ang ating pananaw at subukan ang iba’t ibang payo kaugnay sa pagba-budget ng ating kinikita.

Sabi nga, “Resolve to live within your means.” Mamuhay nang naaayon sa iyong kakayahan.

Source: ABS-CBN News My Money Coach


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!